^

PSN Opinyon

EDITORYAL - 'Lifestyle check': Paulit-ulit na lang !

-
MULI na namang nabuhay ang "lifestyle check". Noong Mayo 2003 pa huling may narinig tungkol sa "lifestyle check". Ang mga bumagsak sa "lifestyle check" noon ay hindi malaman kung ano ang nangyari. Kung naimbestigahan ba sila, napatalsik o patuloy na nagtatrabaho at kumakamal pa ng pera. Eksakto ang muling pagbuhay sa "lifestyle check" ngayong malapit na ang election. Dagdag-bango rin sa pamahalaan kung magiging isyu ang pagkalkal sa mga kaduda-dudang yaman o ari-arian.

Ayon sa Department of Finance, tatlong opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at dalawa sa Bureau of Customs ang bumagsak sa "lifestyle check". Sasampahan nila ng kaso ang mga ito dahil sa laganap ng corruption. May mga hindi maipaliwanag na yaman, may nag-divert ng pondo ng gobyerno at may nameke ng kanilang birthdate para tumagal ang serbisyo.

Ang mga bumagsak sa "lifestyle check" ay si Customs collector Alberta Iglesias at Customs Special Agent Edgardo Galang; Supervisor Jaime Marzan ng BIR at mga collecting agents na sina Joel Cortez at Diodoro Gatela. Itinanggi naman ni Iglesias ang paratang ng Department of Finance. Sinikap ng PSN na makontak ang iba pang inakusahang opisyal para malaman ang kanilang panig subalit hindi nagkaroon ng pagkakataon.

Ang BIR, Customs, Department of Public Works and Highways, Department of Education at Bureau of Immigration ang limang nangungunang departamento ng pamahalaan na talamak ang katiwalian. Sa lima, pinaka-talamak ang corruption sa Customs at BIR. Hindi barya-barya ang usapan kundi milyones. Maraming opisyal sa Customs at BIR ang mistulang mga hayok na "buwaya" na walang kabusugan.

Ang katiwalian sa Customs ay karaniwan na. Habang ang ibang empleado sa gobyerno ay nagtitiis sa kakarampot nilang suweldo, sa Customs ay hindi. May driver-messenger sa Customs na kumikita lamang ng P6,000 isang buwan subalit nagmamay-ari ng dalawang sasakyan. May Customs collector naman na mansion ang bahay, may farm at mga paupahang apartment.

Noong Lunes, muling nalagay sa kontrobersiya ang Customs dahil pinayagang makalabas sa Batangas port ang 19 na container van ng dressed chicken na galing sa Taiwan sa kabila na may hold-order ito. Gaano karaming pera ang nakamal ng corrupt na opisyales ng Customs sa smuggled na manok?

Buhay na naman ang "lifestyle check". Sana naman, ang pagbuhay ay hindi pampabango lamang ng gobyerno. Magkaroon sana ng ngipin. Parusahan ang mga opisyal na lumalabag sa batas para mapaniwala ang taumbayan na seryoso ang pamahalaan.

ALBERTA IGLESIAS

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF IMMIGRATION

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CHECK

CUSTOMS

CUSTOMS SPECIAL AGENT EDGARDO GALANG

DEPARTMENT OF FINANCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with