^

PSN Opinyon

EDITORYAL - BIR at Customs: Iisa ang kulay ng balahibo

-
NANG likhain ni President Arroyo ang Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) noong mga huling buwan ng 2002, marami ang natuwa sapagkat magkakaroon na rin ng katapat ang mga corrupt sa pamahalaan. Tiyak na mapaparusahan na rin ang mga "buwayang" lumalamon sa pera ng bayan. Ang nag-udyok kay Mrs. Arroyo na likhain ang PAGC ay nang mismong ang mga dayuhang negosyante na ang umangal sa malalang corruption sa mga ahensiya ng pamahalaan. Ang sentimiyento ng mga negosyanteng dayuhan ay ipinaabot nila kay dating US Ambassador Francis Ricciardone. Sobrang talamak ang katiwalian at nagbanta rin ang mga dayuhan na aalisin ang kanilang negosyo sa bansa kapag hindi ito nasolusyunan.

Naitatag nga sa isang iglap ang PAGC na ang naging pinuno ay si Comm. Dario Rama. Kasunod sa pagkakasilang sa PAGC ay lumutang na ang "lifestyle check". Aalamin ang mga estilo ng pamumuhay ng mga taong gobyerno. Sa "lifestyle check" ay kasamang isasailalim ang presidente, vice president at ang lahat ng mga Cabinet members at kanilang undersecretaries, mga chairman ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Lumabas na pinakamaraming dapat imbestigahang opisyal ay sa Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue. Sa unang bigwas ng PAGC, maraming opisyal ng Customs at BIR ang tinamaan. Nalantad ang mga hindi maipaliwanag na yaman ng mga opisyal at karaniwang empleado ng dalawang tanggapan. Sa Customs, kahit na ang mensahero na sumasahod lamang nang mahigit P6,000 ay may dalawang sasakyan. Sa BIR, ang isang tax collector na wala pang P10,000 ang suweldo ay nagmamay-ari ng mga paupahang apartment, malawak na bukirin, may mansion at may mga mamahaling sasakyan.

Nagpapaligsahan ang dalawang tanggapan. Habang ibinabando ng gobyerno ang kanilang matinding kampanya laban sa corruption, patuloy naman ang mga "buwaya" sa dalawang tanggapan sa paglamon sa pera ng bayan. May mga nalambat nga ang PGAC subalit "maliit na buwaya" lamang at ang "malalaki" ay patuloy na gumagala.

Kung talagang seryoso ang gobyerno na mawalis ang mga buwayang nagpapahirap sa kaban ng bayan, sampolan sila sa pamamagitan ng pagbitay. Kung ang mga kidnappers, drug traffickers, rapists ay may katapat na mabigat na parusa, ganito rin ang gawin sa mga corrupt. Baka sakaling umunlad ang bansa kung sila’y mawawala.

AMBASSADOR FRANCIS RICCIARDONE

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DARIO RAMA

MRS. ARROYO

PRESIDENT ARROYO

PRESIDENTIAL ANTI-GRAFT COMMISSION

SA CUSTOMS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with