Walang pang-tuition, magloan sa Pag-IBIG

Matagal na akong miyembro ng Pag-IBIG Overseas Program o POP kung tawagin. Wala akong permanenteng trabaho dito sa ibang bansa, palipat-lipat ng trabaho kaya wala akong buwanang maaring ipadala sa aking mga mahal sa buhay diyan sa Maynila.

Dahilan sa malapit na naman ang bayaran ng tuition fee ng aking mga anak na nag-aaral ng kolehiyo, maaari po ba akong mag-avail ng multi-purpose loan? Mayroon po ba ring ganitong programa sa isang miyembro ng POP?

Maari rin ba akong magbayad ng POP payments ko on-line sa
pamamagitan ng aking credit card? –RONA ng Hong Kong

Ang mga miyembro ng Pag-IBIG at POP ay maaring mag-avail ng multi-purpose loan. Ang layon ng multi-purpose loan ay upang mabigyan ng pinansyal na tulong ang ating mga nangangailangang miyembro. Ito ay tulong medikal, edukasyunal, pagkakaroon ng maliit na pangkabuhayan, pagpapaayos ng bahay, pagbili ng appliance o furniture at iba pang pangangailangan. Kinakailangan lamang na ang nasabing miyembro ay nakapagbayad na ng 24 na kontribusyon at aktibong miyembro o patuloy na nagbibigay ng kanyang buwanang kontribusyon. Ito ay babayaran ng dalawang taon o 24 na buwanang amortisasyon.

Maaari kayong magbayad sa pamamagitan ng inyong credit card on-line o sa internet. Pumunta lamang po kayo sa forexworld.com. Sa ilalim ng Services ay ang Pag-ibig payments. I-type lamang ang inyong credit card at personal na impormasyon.

Sa karagdagang detalye, maaari ninyong bisitahin ang www.pag-ibig-fund.com o www.pagibigoverseas.com

Show comments