^

PSN Opinyon

People of the Philippines vs Port of Batangas

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
TOP to bottom revamp ang dapat gawin versus mga gago diyan sa Port of Batangas ni Customs Commissioner Antonio Bernardo.

Nineteen refrigerated vans lang naman ang ninakaw sa Port of Batangas.

May P50 million halaga ng imported dressed chicken ang laman ng mga vans ng brasuhin ito ng mga matatapang na broker para makalabas sa Port of Batangas.

Kilalang-kilala ng Customs kung sinu-sino ang mga ito at kung sino rin ang tumanggap ng pera para ma-release ang mga shipments.

Ang mga dressed chicken ay galing US of A at Canada pero idinaan ng Thailand bago ipinasok sa Pinas. Kaya nabulabog ang Department of Agriculture kaya pinapipigil ang mga ito na makalabas ng puerto. Hindi kasi binigyan ng DA ng import permit at Veterinary quarantine permit ang may-ari ng shipments.

Gusto kasi ng DA, na i-double check ang mga dressed chicken para matiyak nilang ligtas itong kainin ng Noypi. Lima sa mga vans ang nakapa ng grupo ni Benjie Angeles, bossing ng Anti-Smuggling Group ng DA, ng mahuli nila ito sa isang lugar sa Navotas.

Pero nang suriin ng DA at maging DOH ang mga nakumpiskang manok ay ok ito sa consumption ng tao. Ika nga, safe na safe na tsibugin.

Ipinuslit ang mga kargamento ng bandang 9:00 ng gabi noong Biyernes kahit na pinakiusapan ng mga kinatawan ng DA ang Customs na pigilin ito. Misdeclared ang mga kargamento. Ayaw namang sabihin ng mga taga-Port of Batangas kung sino ang tunay na may-ari ng mga inangkat na manok. Kaya naman nagkakamot ng ulo si Bernardo dahil hindi niya malaman ang sasabihin niya sa media. Mga brokers lamang daw ang nag-proseso ng shipments.

Magkapatayan kaya sa Port of Batangas dahil sa pagkabulabog ng mga smuggled shipments? May mga pagbabanta na kasing kumakalat dito?

Kaya nakakatiyak ang mga kuwago ng ORA MISMO, kung matutuloy ang banta kikita nang husto ang mga funeral parlor sa nasabing lugar, he-he-he!

‘‘Walang mangyayari sa imbestigasyon?’’ anang kuwagong urot.

‘‘Bakit naman? tanong ng kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.

"Powerful ang mga sangkot dito,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘NBI, CIDG o Office of the Ombudsman ang dapat mag-imbestiga sa kaso,’’ anang kuwagong Kotong cop.

‘‘Siguradong nagkalagayan kaya minadali ang release ng shipments?’’

‘‘May malaking pera kasi rito.’’

‘‘Tiyak iyon.’’

‘‘May imbestigasyon na ang taga-Customs sa Manila.’’

"Parang walang mangyayari sa imbestigasyon kung taga-Customs din ang mag-iimbestiga,’’ anang kuwagong urot.

‘‘May mga padrino ang mga gago kaya walang takot ang mga ito.’’

"Hukayin mo ang kaso ng ilang officials sa Port of Batangas para malaman mo kung sino sila?’’

‘‘Bakit?’’

‘‘Tatayo ang balahibo mo kapag nalaman mo ang mga kaso nila pero not guilty ng lumabas ang decision.’’

‘‘Ganoon ba?’’

‘‘Siyempre may pera este mali due process pala.’’

‘‘Ganoon ba, kamote?’’

ANTI-SMUGGLING GROUP

BAKIT

BENJIE ANGELES

CUSTOMS COMMISSIONER ANTONIO BERNARDO

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

GANOON

KAYA

PORT OF BATANGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with