Magkaganoon man, mataas sa sugar ang mangga. Ang isang katamtamang laki ng mangga ay may 14 percent sugar kaya maaaring maging dahilan ng pagkasira ng ngipin kung kakainin nang madalas. Bukod sa mataas sa sugar, ang mangga rin ay acidic.
Kahit saang lugar sa Pilipinas ay maraming mangga at palatandaan na madali itong alagaan. Kapag summer ay nagdadagsaan ang kaing ng mangga na nanggagaling sa kung saan-saang lugar Pilipinas. Mababango at matatamis. Ini-export ang mangga ng Pilipinas sa ibang bansa.
Tip para madaling makuha ang laman ng hinog na mangga: Hiwain ang mangga sa dalawang bahagi. Iwasan ang buto. Kapag nahiwa na, hiwain naman ang laman sa paraang crisscross at baligtarin ito at madali nang makukuha ang laman.
WHATS UP DOC?
Dr. Tranquilino Elicaño Jr.
Pilipino Star NGAYON
202 Railroad cor. R. Oca Sts.,
Port Area, Manila.