^

PSN Opinyon

Pag-IBIG contributions

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Nabasa ko ang inyong kolum tungkol sa Pag-IBIG Overseas Program. Nagkaroon ako ng interes dito. Saan ba nakabatay ang aking magiging kontribusyon? Ano ba ang mga benepisyong matatanggap ko sa aking kontribusyon? At kailan ko naman ito maiwi-withdraw?–May Ng Hong Kon
g

Ang halaga ng buwanang kontribusyon ng isang OFW ay hindi lamang nakabatay sa halaga ng buwanang sahod kundi sa sariling kagustuhan din na magbigay nang mas malaking kontribusyon. Maaari kayong magbayad ng US dollar, Canadian dollar o Philippine peso batay sa halaga nito sa dollar sa araw ng pagbibigay ng kontribusyon.

Marami kayong matatanggap na benepisyo at pribelehiyo sa pagiging miyembro ng POP kagaya ng pag-avail ng POP Housing Loan, Multi-Purpose Loan at Provident Benefits. Ang mga miyembro ay makakatanggap ng fixed dividends sa kanilang kabuuang hulog kung wala itong utang sa Pag-IBIG sa sumusunod na halaga:

7.5% per annum sa mga peso Contributions

3.0% per annum sa mga US$ contributions

2.5% per annum sa mga Canadian $ Contributions.

Ang lahat ng inyong kontribusyon ay binibigyan ng garantiya ng ating pamahalaan. At ang inyong kontribusyon ay mananatili sa inyong pangalan kahit kayo ay lilipat ng kompanya o kung kayo ay lumipat man ng tirahan.

Ang inyong inihulog ay maaaring mai-withdraw pagkatapos ng lima, 10, 15, o 20 taon batay sa membership term na pinili ng miyembro.

ANO

DEAR SEC

HOUSING LOAN

KONTRIBUSYON

MAY NG HONG KON

MIKE DEFENSOR

MULTI-PURPOSE LOAN

OVERSEAS PROGRAM

PAG

PROVIDENT BENEFITS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with