NAIA lagapak sa security evaluation ng mga Kano?
January 24, 2004 | 12:00am
MUKHANG tagilid ang magiging resulta ng security audit na ginagawa ng mga Kano na miyembro ng Transportation Security Administration sa ilalim ng US Department of Homeland Security sa NAIA dahil duda sila na ligtas sa panganib ang airport.
Patuloy ang malalimang security evaluation sa NAIA kahit na napakaraming pasaherong umaalis ang naha-hassle sa paliparan dahil nabubuwisit sila porke pinahuhubad pa ng mga security personnel ang kanilang mga togang suot.
Maging ang ilang miyembro ng Airlines Operators Council ay asar sa bagong pinatutupad na gimik.
Mga Kano lang kasi ang may gusto nito.
Hubaran ng mga suot na sapatos ng mga passengers ang "in" ngayon sa departure area ng airport bago ka pumasok ng final check-in counter.
Pero sa mga kuwago ng ORA MISMO, pabor kami sa ganitong style at least safe ang mga pasaherong sasakay ng eroplano kahit na saan pang lupalop sila magpunta.
May mga nagbulong sa mga kuwago ng ORA MISMO na may bagong grupo ng mga TSA ang darating sa airport para magsagawa ng panibagong assessment sa seguridad.
Matindi kasi ang epekto sa ekonomiya at maging sa turismo sa Pinas kapag nagdeklara ang mga Kano na unsafe ang paliparan natin.
Ika nga, malaking dagok ito sa Pinas.
Malamang na alisin nila ang kanilang flag carrier sa bansa at lahat ng mga eroplanong pumupunta ng Tate.
Siyempre, concern sila sa kanilang kaligtasan.
Sa bagsak na rating na ibibigay ng mga Kano, tiyak magkakahetot-hetot tayo dahil hindi birong problema ang papalo sa ating ulo.
Sabi nga, bukol kaliwat kanan.
"Ano ang maganda para pumasa tayo sa airport hinggil sa security audit ng TSA?" tanong ng kuwagong maninisid ng tahong.
"Huwag nating asarin ang mga Kano dahil wala tayong magagawa dito," sagot ng kuwagong urot.
"May isa kasing tao sa airport ang sumisira mismo sa mga Noypi para bumagsak ang rating natin sa mga Kano?"
"Sino?"
"Si Peter Mukmok ang dakilang pekadores ng MIAA," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Sino ba iyan?" tanong ng kuwagong Kotong cop.
"Ito iyong taong labas na walang ginawa kundi ihulog din ang kanyang mga kasamahan sa labas."
"Siya rin ang taong may kasong 3 counts ng falsification of public documents sa korte."
"Ano ang dapat gawin dyan?"
"Sibakin muna dapat ito ni MIAA general manager Ed Manda o lagyan ng zipper ang bibig para hindi muna makapag-bida dahil may hangin ito."
"Ganoon ba, kamote."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended