Nuong una siyang lumahok sa halalan sa pagka gobernador marami ang nagaakala na hindi siya uubra dahil kakaiba siya sa ibang mga pulitiko. Walang yabang sa pananalita, malumanay, pinong kumilos at tunay na relihiyoso. Hindi siya kagaya ng ibang mga pulitikong Batangueno na malaki ang boses, matikas kumilos at maraming bodyguard na nakasunod.
Sabagay hindi lang sa Batangas uso ang ganuong uri ng mga pulitiko. Mga warlord baga. Inaalala nga ng iba ay paano raw tatangapin si Dodo dahil kilala ang mga Batangueno sa pagiging matapang at makisig.
Si Dodo naman ay soft spoken, refined kumilos at biro nga ng iba ay parang pari kung saan hindi ka magaatubiling ipagtapat sa kaniya ang iyong problema, kahit mga suliraning personal.
Pero nanalo siya at umpisa ng manungkulan bilang gobernador ay maayos ang naging palakad ng probinsiya. Maraming mga bagay na nagawa at pinatunayang hindi lulustayin ang pera ng mga Batangueno. Mga tamang mga proyekto kaya sa sumunod pang dalawang halalan ay halos walang kalaban.
Ngayon nga lang, hindi na siya maaaring tumakbo bilang Gobernador, naka-tatlong sunod na at pinagbabawal ng ating konstitusyon. Pinatunayan niyang muli ang kanyang pagiging disente, kesa patakbuhin ang kamag-anak, ay tumatakbo na lang siya ngayon bilang kongresista sa isang distrito sa Batangas. Karamihan sa mga ibang pulitiko ang pinatatakbo ay asawa, anak, kapatid, magulang o iibang kamag-anak. Siyanga pala, walang asawa o anak na maaaring patakbuhin si Dodo dahil binata siya.
Nais niyang makapag-silbi pero ngayon bilang kongesista naman, wala siyang kalaban kaya tiyak siyang panalo. Kaso nga lang sino ang malamang na papalit sa kaniya sa pagka-Gobernador.
Dalawa ang maganda raw ang laban sa pagiging punong lalawigan, si dating Justice Secretary Hernando Perez ni Madam Senyora Donya Gloria na hanggang ngayon ay hindi maipaliwanag ang kontrobersyal na dollar account niya sa Coots Bank sa Hongkong. Ang salaping ito ay tinukoy ni dating Kongresista Mark Jimenez na galing sa isang dayuhang kumpanya at kahati pa ang ilang mga matataas na opisyal ng administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria.
Katanungan nga ay totoo kaya na $2 milyon lang ang napunta kay Nani at ang iba ay napunta kay JOSE PIDAL. Palagay niyo? Text ng kasagutan sa 092726564341.
Kailanman ay hindi niya maipaliwanag at napakalaking halaga nito para kalimutan ng tuluyan. Sa kasaukuyang palitan ang katumbas ng $14 million dollar ay mahigit sa P700 milyong piso.
Ang isa pang malakas ay alkalde ngayon ng bayan ng Santo Tomas. Si Mayor Armand Sanchez. Bagamat hindi napapatunayan ay alam ng lahat na konektado sa jueteng. Ayon sa ating sources, kada bayang pasyalan ni Mayor Sanchez ay nagbibigay siya ng kontribusyon na malaking halaga kahit malayo pa ang kampanya.
Alam ng lahat ng Batangueno ang kanyang negosyo at kahit bulag, pipi at bingi ay alam ito.
Ang iba pang lalaban ay mahina raw ayon pa rin sa ating mga nakakausap kaya hayan, pagkatapos ng siyam na taon ng isang magaling na Gobernador, ang pagpipilian nyo ay natitira sa isang kumita ng milyun milyon galing sa kumpayang responsible sa tuloy na pagtaas ng ating kuryente at sa isang kumita rin ng milyon milyon galing naman sa jueteng.
Kawawang Batangas. Ngayon ko naisip, sana walang term limit pag gusto ng sambayanan dahil kung si Gov. Mandanas pa rin, wala pa ring talo. Parang nasa gitna ka ng puno na may Leong gutom sa baba na naghihintay at may malaking ahas sa taas na tinitingnan ka. KAWAWANG BATANGAS!
Senyrita madam pidal Gloria ayw unahin druglord kc antay cya ransom kmag anak ng drug lord pangampanya nya 09212263498. fpj wla alam wla platporma, tago ng tago at pipi, kapag nanalo ka bulok tlaga utak ntin. Sbay2 tayo magdusa. Mbuti pa langoy papuntang hongkong 85291264288. hindi kami papayag na maghari ang kampon ni JOSE PIDAL 09186559833. ubcin n ang mga ala kwentang opoccyon pmpagulo lng sa Phil. 09206522580.
Pa2loy p rin ang jueteng sa paombong 09195329858. d2 sa gen santos city c ping lacson ang number 1. ping kami 09206228715. tkot tlaga c madam Gloria ky fppj at ping 09168704569. gma p rin kmi 09164773393. pano unhn c snyora glra btyn n drug lord e cmpaign mngers nya mga yn, lht huli ni recycle,fuund s elction, sn Miguel st. s mlkanyang talmak bentahn bto 09198757483.
Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa nixonkua@yahoo.com o kayay magtext sa 09272654341. Mapapakinggan nyo rin po ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.