^

PSN Opinyon

Kawawang Batangas

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
Magaling ang panunungkulan ni Herminigildo "Dodo" Mandanas bilang gobernador ng probinsiya ng Batangas.  Sa kaniyang tatlong termino na katumbas ay siyam na taon bilang puno ng nasabing lalawigan ay nakita natin ang pag-unlad at lalong pagganda ng naturang probinsya. 

Nuong una siyang lumahok sa halalan sa pagka gobernador marami ang nagaakala na hindi siya uubra dahil kakaiba siya sa ibang mga pulitiko.  Walang yabang sa pananalita, malumanay, pinong kumilos at tunay na relihiyoso.  Hindi siya kagaya ng ibang mga pulitikong Batangueno na malaki ang boses, matikas kumilos at maraming bodyguard na nakasunod. 

Sabagay hindi lang sa Batangas uso ang ganuong uri ng mga pulitiko. Mga warlord baga.  Inaalala nga ng iba ay paano raw tatangapin si Dodo dahil kilala ang mga Batangueno sa pagiging matapang at makisig. 

Si Dodo naman ay soft spoken, refined kumilos at biro nga ng iba ay parang pari kung saan hindi ka magaatubiling ipagtapat sa kaniya ang iyong problema, kahit mga suliraning personal. 

Pero nanalo siya at umpisa ng manungkulan bilang gobernador ay maayos ang naging palakad ng probinsiya.  Maraming mga bagay na nagawa at pinatunayang hindi lulustayin ang pera ng mga Batangueno.  Mga tamang mga proyekto kaya sa sumunod pang dalawang halalan ay halos walang kalaban. 

Ngayon nga lang, hindi na siya maaaring tumakbo bilang Gobernador, naka-tatlong sunod na at pinagbabawal ng ating konstitusyon. Pinatunayan niyang muli ang kanyang pagiging disente, kesa patakbuhin ang kamag-anak, ay tumatakbo na lang siya ngayon bilang kongresista sa isang distrito sa Batangas.  Karamihan sa mga ibang pulitiko ang pinatatakbo ay asawa, anak, kapatid, magulang o iibang kamag-anak.  Siyanga pala, walang asawa o anak na maaaring patakbuhin si Dodo dahil binata siya. 

Nais niyang makapag-silbi pero ngayon bilang kongesista naman, wala siyang kalaban kaya tiyak siyang panalo.  Kaso nga lang sino ang malamang na papalit sa kaniya sa pagka-Gobernador. 

Dalawa ang maganda raw ang laban sa pagiging punong lalawigan, si dating Justice Secretary Hernando Perez  ni Madam Senyora Donya Gloria na hanggang ngayon ay hindi maipaliwanag ang kontrobersyal na dollar account niya sa Coots Bank sa Hongkong.  Ang salaping ito ay tinukoy ni dating Kongresista Mark Jimenez na galing sa isang dayuhang kumpanya at kahati pa ang ilang mga matataas na opisyal ng administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria. 

Katanungan nga ay totoo kaya na $2 milyon lang ang napunta kay Nani at ang iba ay napunta kay JOSE PIDAL.  Palagay niyo? Text ng kasagutan sa 092726564341. 

Kailanman ay hindi niya maipaliwanag at napakalaking halaga nito para kalimutan ng tuluyan.  Sa kasaukuyang palitan ang katumbas ng $14 million dollar ay mahigit sa P700 milyong piso. 

Ang isa pang malakas ay alkalde ngayon ng bayan ng Santo Tomas. Si Mayor Armand Sanchez.  Bagama’t hindi napapatunayan ay alam ng lahat na konektado sa jueteng.   Ayon sa ating sources, kada bayang pasyalan ni Mayor Sanchez ay nagbibigay siya ng kontribusyon na malaking halaga kahit malayo pa ang kampanya. 

Alam ng lahat ng Batangueno ang kanyang negosyo at kahit bulag, pipi at bingi ay alam ito. 

Ang iba pang lalaban ay mahina raw ayon pa rin sa ating mga nakakausap kaya hayan, pagkatapos ng siyam na taon ng isang magaling na Gobernador, ang pagpipilian n’yo ay natitira sa isang kumita ng milyun milyon galing sa kumpayang responsible sa tuloy na pagtaas ng ating kuryente at sa isang kumita rin ng milyon milyon galing naman sa jueteng. 

Kawawang Batangas.  Ngayon ko naisip, sana walang term limit pag gusto ng sambayanan dahil kung si Gov. Mandanas pa rin, wala pa ring talo. Parang nasa gitna ka ng puno na may Leong gutom sa baba na naghihintay at may malaking ahas sa taas na tinitingnan ka.  KAWAWANG BATANGAS!
* * *
Tuloy ang panloloko ng ilang taong sasabihin sa inyo na tatama kayo ng malaking halaga pero kailangan niyo magbigay ng maraming load sa kanila upang lumaki ang tsansa o di kaya‚y magbigay ng processing fee na ilang libo.  Mayruong ginagamit ang PAGCOR, PCSO at ngayon pati mga kandidato.  Inuulit ho namin,  racket yan at lolokohin lang kayo.   Pag kinontak kayo, kadalasan pa ay attorney raw, ipagbigay alam sa awtoridad upang mahuli sila. 
* * *
Gus2 ko ang style ni bro. Eddie wla cnicraan seryoso s hangaring ibangon ang Pinas ˆ 09183070950.   uubusin lhat ang mga nkharang s daan n gma, ggawa ng mga magic pra mpaalis c fpj at ping. Kng mgkgnon taong bayan llabas kuntra gma ˆ 09273831369.  iniisa isa  nla mga klban n gma kc alam nlang mlkas klaban nla. Hlata na cla kc til june 30 nlang cla ˆ 09197958871. 

Senyrita madam pidal Gloria ayw unahin druglord kc antay cya ransom kmag  anak ng drug lord pangampanya nya ˆ 09212263498.  fpj wla alam wla platporma, tago ng tago at pipi, kapag nanalo ka bulok tlaga utak ntin. Sbay2 tayo magdusa. Mbuti pa langoy papuntang hongkong ˆ 85291264288.  hindi kami papayag na maghari ang kampon ni JOSE PIDAL ˆ 09186559833.  ubcin n ang mga ala kwentang opoccyon pmpagulo lng sa Phil. ˆ 09206522580. 

Pa2loy p rin ang jueteng sa paombong ˆ 09195329858.  d2 sa gen santos city c ping lacson ang number 1. ping kami ˆ 09206228715.  tkot  tlaga c madam Gloria ky fppj at ping ˆ 09168704569.  gma p rin kmi ˆ 09164773393. pano unhn c snyora glra btyn n drug lord e cmpaign mngers nya mga yn, lht huli ni recycle,fuund s elction, sn Miguel st. s mlkanyang talmak bentahn bto ˆ 09198757483.

Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa [email protected] o kaya’y magtext sa  09272654341. Mapapakinggan  n’yo rin po ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

BATANGAS

BATANGUENO

COOTS BANK

GOBERNADOR

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with