Onli en da Philippines: Ang nagpaparatang ang inaakusahan
January 24, 2004 | 12:00am
EWAN ko kung bakit nauso dito sa atin na sa bandang huli ang umaakusa ang nagkakasala at napaparusahan kaysa sa inaakusahan. Siguro naman ay hindi na lingid sa inyong kaalaman ang gusto kong sabihin sapagkat malimit nang nangyayari ang bagay na ito dito sa ating bayan. Nakakatakot isipin na baka ito na ang maging kaugalian dito sa Pilipinas nang dahil sa naulit na naman ang pangyayaring ito ngayon.
Isa sa mga pangunahing laman ng mga balita sa kasalukuyan ay ang tungkol sa inihaing kaso sa Comelec ng magkapatid na abogadong sina Victorino at Andresito Fornier laban kay Fernando Poe Jr. na isa sa mga kumakandidato sa pagka-presidente sa darating na eleksyon. Ayon sa magkapatid na abogado, si FPJ diumano ay dapat na ma-disqualify sapagkat pineke nito ang dokumentong isinumite niya sa Comelec na nagsasaad na ang aktor ay isang natural-born Filipino na kinakailangan, ayon sa ating Saligang Batas. Pati istorya ng buhay at pagkatao ng mga magulang at ninuno ni FPJ ay nabulatlat tuloy.
Ang nakakagulat ay habang tumatagal, unti-unting nababaligtad ang drama. Ang nagiging walanghiya ay ang Fornier brothers na sila pa ngayon ang kinakasuhan at ang hinihingi pa ay ang mapatalsik sila bilang mga tunay na abogado. Hindi pa ito. Ang Director ng National Archives Office na si Ricardo Manapat na siyang hiningan ng tulong ng magkapatid na Fornier upang magsaliksik sa kanilang mga kailangang dokumento ay pinatatanggal din sa kanyang tungkulin at kinakasuhan na rin.
Subalit ang pinakamatindi ay ang kawalan ng delikadeza at pagpapakita ng kapangyarihan ng ilang miyembro ng ating Senado na nagpatawag ng hearing upang imbestigahan (in aid of legislation kuno) ang citizenship case na ito laban kay FPJ. Ang nangunang nagpanukalang tumawag ng Senate Committee hearing at gisahin dito ang mga Forniers at Director Manapat at iba pa ay sina Sen. Tito Sotto, Sen. Nene Pimentel at chairman ng committee na si Sen. Ed Angara. Ang mga ito ang nagmamanok at nasa likod ng kandidatura ni FPJ. Ang isa pang masakit ay nang imbitahan ng committee ang tatlong empleyado ni Manapat upang alipustahin at baligtarin ng mga ito ang mga pahayag ng kanilang hepe.
Tama ba ang ginawa ng mga senador na ito na hindi na isinasaalang-alang kung ano ang sasabihin ng taumbayan? Hindi na sila nahiya o nakonsensiya man lamang. Bakit nila kailangan pang sapawan pa ang Comelec na siyang dapat na duminig at humawak ng nasabing kaso sapagkat dito ito inihain? Sa mga gawaing katulad nito, lalong nababawasan ang respeto at kredibilidad ng ating mamamayan sa mga miyembro ng Senado.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended