Uubusin ang Oposisyon
January 22, 2004 | 12:00am
Hindi tatantanan ang isyu ng citizenship ni Fernando Poe Jr. at sa dami ng mga dokumentong nilabas laban sa Hari ng Pelikulang Pilipino ay madidisqualify ito. Mahirap natin husgahan kung totoo o hindi ang mga dokumento pero tunay na katakataka ang timing na pag-uungkat sa kaso ng citizenship ni FPJ.
Pero ano ang magagawa niya, sumali siya sa magulong mundo ng pulitika kaya dapat ay humanda siya dahil tiyak hindi lang iyan ang ibabato laban sa kaniya. Isa pa, dapat tandaan ni FPJ na bukod sa dumi ng pulitika, bulok na bulok ang style ng kampo ni Madam Senyora Donya Gloria at gagawin nila lahat para lang manalo. Sa salitang English nga ay vicious at may killer instinct ang administrasyon at mga kampon ni Madam Senyora Donya Gloria.
Sa tindi ng kanyang dirty tricks o special operations group na deretsong kumukuha ng kautusan kay JOSE PIDAL at sa mga sikat na miyembro ng THE FIRM, ang plano nila ay burahin ang lahat ng oposisyon sa bayan para wala ng kalaban si Madam Senyora Donya Gloria.
Inumpisahan na ang pagyari kay FPJ at mahirap lusutan ito ng Panday dahil hindi na pelikula ito. Ang may tangan ng magic rito ay ang mga alipores at kampon ni Madam Senyora Donya Gloria. Hindi siya dapat umasa na magiging parehas sa kaniya ang Comelec at lalo na ang Korte Suprema na siyang magiging final na magdedesisyon para sa kaniya.
Malungkot at masakit sabihin pero out na siya at ang next target naman ng administrasyon ay si Sen. Ping Lacson. Hindi magtatagal at malamang paglathala nito ay muli na namang sisikapin ng mga alipores ni JOSE PIDAL na buhayin ang kaso ng kuratong baleleng.
Bagamat makailang beses ng natapos ang kaso at napawalang sala si Sen. Ping Lacson ay magkakaroon ng mga bagong ebidensiya kuno ang prosecution. Pipilitin nilang buksan muli ang kaso at kung hindi pumayag si Judge Yadao na nagdismiss na ng kaso ay malamang siya pa ang masuspindi.
Ayon sa ilang kakampi ni JOSE PIDAL na kinokonsiyensiya na ay walang tigil ang paghahanap ng butas laban kay Judge Yadao upang maalis ito sa kanyang puwesto at ng mawala ang balakid na pumipigil sa pag-aaresto kay Ping.
Hindi malayong mangyari ito dahil kontrolado na ng Malakanyang ang Supreme Court kaya pag nawala si Judge Yadao ay bata nilang huwes ang papalit na siyang agad agad bubuksan ang kaso at mag-iisyu pa ng warrant of arrest na magpapakulong kay Sen. Ping.
Ubos na ang oposisyon, wala na at tuloy na ang pagdiriwang ng Malakanyang. Marahil tatanungin nyo paano si dating Education Secretary Raul Roco, alam ng mga alipores ni Madam ang mga tinatago niya, pati na ang kanyang karamdaman. Ilalabas lang nila ito at parang magic wala na rin.
Matitira na lang si Eddie Villanueva at kahit na hindi na galawin, tapos na ang boksing, panalo na by default si Madam Senyora Donya Gloria at tuloy ang ligaya ni JOSE PIDAL at ang paglipad ng MAHIWAGANG BAG.
Malungkot na scenario pero sinaplano na at sinasakatuparan na ng Malakanyang. Gumugulong na ang operasyon nila at nagtatapon na ng pera at gumagamit na ng matinding impluwensiya ang mga JOSE PIDAL and THE FIRM BOYS.
Sambayanan na lang ang balakid sa kanilang mga plano at ang katanungan ay kikilos ba ang nakararami, kasama ang masa at ang mga dismayadong miyembro ng civil society para pigilan ito.
Kayo mga kaibigan, papayag ba kayo? Text lang sa 09272654341 para sa inyong kasagutan.
Ngayong pinahinto ng Korte Suprema ang pagbitay sa dalawang kidnapper dahil may mga bagong ebidensiya at pag-aaralan pa, bakit hindi mga drug lord na lang ang unahin.
Sa mga drug lord, lalo na yung mga dayuhan ay tiyak tayong may kasalanan sila dahil imposible namang planted evidence ang ginawa ng ating mga awtoridad sa dami ng mga bawal na gamot na nasabat sa kanila. Guilty sila at dapat nga palamon sa kanila ang mga illegal na gamot.
Unahin natin sila at magsisilbi pa itong babala sa buong mundo na seryoso tayo sa ating kampanya laban sa illegal na droga. Iba ang epekto pag dayuhan ang tinuluyan at patunay na hindi biro ang pagpapatupad natin ng batas.
Lagi nating alalahanin ang mga kapit-bahay nating bansa na walang droga dahil hindi sila nag-aatubili na ipatupad ang kanilang batas at bitayin ang mga drug lord. Tandaan rin natin na nagpulasan at natakot magpunta sa atin ang mga yan ng tinuluyan ng yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos si Lim Seng, isang kilalang drug lord.
Madam Senyora Donya Gloria, unahin ang mga drug lord at hindi lang mga negosyanteng nabibiktima ng kidnapping ang matutuwa, lahat masisiyahan kung lilipulin ang mga yan.
May halong pulitika ang pgpunta n Gloria s sinlog s cebu 09182537542. kung manalo si fpj o lacson ay uneducated pa karamihan sa mga filipinos 09186506289. namamayagpag pa rin ang jueteng d2 sa masantol pampanga, mismong sa loob ng munisipyo may nagpapataya 09169940727.
Kampanya nga un bt nung vice pres plang gma d cya punta pista ng quiapo at cebu now nir na election lhat klase pista bk punta gma 09193836898. kung 220 n d cya nngangampanya dpat noon p cya dumdlo s mga gnyan okasyon style mo gma bulok hltang nngangampanya 09208425716. Ntuwa kming mga tga cebu s pkkisa nn pres. Gma s aming sinulog 09273066337.
Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa [email protected] o kayay magtext sa 09272654341. Mapapakinggan niyo rin po ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended