^

PSN Opinyon

Nakagapos ang bayan sa kaso ni FPJ

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
Por Jr. kung kaya’t isa ito sa dahilan kung bakit nagiging hati-hati ang mga mamamayang Pilipino sa mga panahong katulad ngayon ng taghirap at ang bansa ay nahaharap sa mga napakaraming suliranin. Lumalabas tuloy na ang kasong ito ni FPJ ang siyang nagiging pangunahing bagay na labis na pinagtutuunan ng pansin ng ating sambayanan.

Ang mga lider natin sa bansa ay wala nang inatupad kundi ang mag-isip at maglahad ng kani-kanilang mga pahayag kung si Da King ay kuwalipikado ba o hindi upang tumakbo bilang presidente ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo 10, 2004. Lahat halos ng mga kalaban ni FPJ ay pinagsususpetsahan na siyang may kagagawan ng disqualification case na ito na inihain sa Comelec ng magkapatid na abogadong sina Atty. Victorino at Atty. Andresito Fornier.

May mga sektor na naniniwala na may katotohanan ang isinampang kaso ng magkapatid na abogado base sa mga dokumentong isinumite ng mga ito. Siyempre, walang humpay naman sa pagtatanggol ang kampo ni FPJ na pinangungunahan ng dalawang nakaupong senador na sina Sen. Ed Angara at Sen. Tito Sotto. Ang nangyayari tuloy ay kani-kanya ang batuhan ng putik lalo na’t idinadawit na ngayon na nasa likod ng kasong ito laban kay FPJ ang mga matataas na pinuno ng kasalukuyan at nakaraang administrasyon.

Samantala, nagkakagulo ang mga hinayupak na pulitiko sa isang kasong dapat ay hayaan na lamang sa Comelec na magresolba sapagkat dito inihain ang nasabing usapin, nakatunganga naman ang taumbayan. Walang pumapansin sa mga problema ng bayan sapagkat ang inaatupag ng ating mga lider ay ang pamumulitika at ang kani-kanilang mga personal na interes.

May mga nagsasabi na maaaring lalo pang gumulo ang kalagayan ng ating bayan sanhi sa kasong ito ni FPJ. May mga tumitiyak na mag-aalsa ang mga sumusuporta kay FPJ kung ito ay mapapatalsik bilang kandidato sa pagka-presidente sa darating na eleksyon sapagkat naniniwala ang mga ito na ang kaso ay paninira lamangk ay FPJ upang hindi ito manalo. Lumilitaw na nakagapos ngayon ang bayan. Hindi pa man lumalabas ang pasya ay talo na kaagad ang bayang Pilipinas sapagkat hindi hustisya at kung ano ang tama ang pinaninindigan.

ANDRESITO FORNIER

COMELEC

DA KING

ED ANGARA

FPJ

PILIPINAS

POR JR.

TITO SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with