^

PSN Opinyon

'Liham mula sa ating e-mail'

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
Nag-feature ako ng artikulo tungkol sa dalawang batang nasunog sa isang building sa may del pan at binondo kung saan dalawang bata ang namatay. Lumalabas sa reklamo ng ama na walang fire exit sa ika-limang palapag ng building na yun. Inilagay ko ang aking email address [email protected] upang inyong maipadala diretso sa akin ang inyong problema na nais maaksyunan.

Dear Mr.Calvento,


I was one of the Volunteer firefighters of the BFP when this terrible incident happened 2 years ago. I have now quit my volunteer work but I would like to confirm some aspects of this story.

There was no other entrance except for one door, which is the reason why we were not able to get in and stop the fire from consuming these kids. I remember the father’s reaction when this happened and reading your column brought it all back to me. There was an investigation, I think,but the building’s owner was a rich Chinese.

It has been two years... Won’t you help achieve justice for these kids? I know that columnists like you have the means to investigate issues like these. There are a few men left who has principles and can stand by them.... I hope you are one of the few.

God Bless You and Your Family.

Cherry Ann Ramos


Isa pang reaction mula rin sa aking email sa isinulat ko tungkol sa "firetrap." Ito’y galing kay Raffy Santos at narito ang kanyang opinion.

Dear Sir:


I saw the article about FireTrap on January 16, and I think an investigation should be done, kasi walang fire exit. kung alam lang yan ng city engineer, hindi yan mabibigyan ng building permit. malamang may katiwalian na naganap!

Raffy Santos


Tinawagan po natin ang tanggapan ni Mayor Lito Atienza, ng Manila at mabilis po ang kanilang aksyon. Agad kumontak ang staff ni Mayor na si Sheryl Sta. Maria at nakipag-ugnayan sila sa ama ng mga bata na si Eric Cochingyan. Hindi pa man, nagpapasalamat po tayo kay Sheryl at lalo na kay Mayor Lito Atienza.

Heto pa ang isang email mula naman sa isang gwardya na ipinadala sa atin. Nais ko pong ilathala ito upang mabasa ng mga kinauukulan at mabigyan ng atensyon.

Galing pa ito ng Cagayan de Oro. Basahin po natin.

Sir,


Ako po ay isang security guard, ako po ay nag file ng application para sa scty. guard license last Nov. 2002 na dito po sa regional office sa Cagayan de Oro City ang photo capture para sa SSS ID at the same time Scty. Guard license pero hanggang ngayon po ay hindi dumarating kaya po pumunta ako sa SSS office sa Cagayan de Oro, at sabi nila sa akin ay kailangan ko uling kumuha ng referral galing sa FESAGS sa Camp Alagar, Cagayan de Oro, pero sabi naman po sa akin ng incharge sa FESAGS ay kailangan kong irenew ang NBI clearance at drug test certificate dahil expired na raw..

Ang gusto ko lang pong itanong ay kung bakit ganun, ang aming original license ay good for 2 years lang at kada expired ay kailangang mag retraining na ang bayad ko po noong 2002 ay 750.00 at ang gastos ko pati sa mga mga requirements ay umabot ng mahigit 2,000.00 tapos ngayon ay wala pang 2 years ay gagastos na naman ako.

Isa pa po ay bakit balewala po yata kaming mga gwardya sa opisyal ng gobyerno mahigit na po akong 20 years sa serbisyo pero ni minsan po ay wala akong narinig na may nagtuon po ng pansin para sa amin, dahil po ba ang trabaho namin para sa kanila ay para sa tamad lang? at hindi po nila naisip ng mga taga SSS at FESAGS na sa kakarampot namin na sweldo ay gagastos pa kami ng malaki para sa retraining o renewal ng license, tapos hindi naman sigurado kung matatanggap namin o hindi, sa totoo lang po ay karamihan sa amin dito sa Cagayan de Oro ay hindi umaabot ng minimum wage, dahil sa dami ng agency na nagpapababaan ng bidding na alam naman po ng taga FESAGS pero wala naman silang aksyon para makontrol nila na dapat ay kanilang tungkulin din,bagkus ang kanilang ginagawa ay yung pagpapahirap at pagiging mahigpit sa aming mga gwardya.

Sana naman po ay mapag-ukulan din kami ng pansin lalo na ng mga bagong uupong opisyal sa ating pamahalaan, hangang dito na lang po at salamat kung kami ay inyong matutulungan na maparating ito sa mga kinauukulan...

Sana po ay huwag ninyong ilathala ang aking pangalan at address, salamat po.

umaasa,

Kawawang Gwardya


Sa mga kababayan natin na naging biktima ng karahasan o may gustong ipaabot kayong reklamo, maari kayong mag-email sa akin sa [email protected].

Para sa inyong comments at reactions, maari kayong tumawag sa "calvento files" 7788442. Maari din kayong mag-text sa 09179904918.

vuukle comment

CAMP ALAGAR

CHERRY ANN RAMOS

DEAR SIR

ERIC COCHINGYAN

GOD BLESS YOU AND YOUR FAMILY

MAYOR LITO ATIENZA

ORO

PARA

RAFFY SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with