Noong una ay isa siyang SA1 sa Customs Police nagpasa ng mga dokumento sa Civil Service Commission para ma-promote pero ibinalik ang kanyang papeles dahil kulang sa requirements.
Ika nga, kulang sa pinag-aralan.
Ikalawa, siya raw ngayon ang Special Assistant to the Collector of Customs sa Port of Batangas? Alam kaya ni Customs Collector Eddie dela Cuesta ito?
Pangatlo, siya rin ang acting bodegero sa Port of Batangas?
Verifying ang mga kuwago ng ORA MISMO, kay Egay Lanzones kung talaga bang empleyado siya ng aduana.
Dahil kung empleyado ito, ibang klase ang koneksiyon ni Lanzones sa pamunuan ng bureau. Take note, Customs Commissioner Antonio Bernardo, Your Honor.
Pinagyayabang kasi ni Egay Lanzones, na hindi siya kayang tibagin ng mga mamamahayag dahil walang diyaryong nakakarating sa Port of Batangas.
Ang isa sa kasalanan ni Egay Lanzones, ay ng agawin nito kay Nick Gagamba ang kanyang sweetheart. Ang una kasi ang kumakabayo sa honey ni Gagamba ngayon.
Magkabarilan kaya sila?
May brand new house raw na ipinagagawa si Egay Lanzones para sa kanyang bagong kabayo kaya ang mga kasamahan umano nito sa bureau ay hinahanap ang nawawalang P2 million cash na sinasabing pondo mula sa mga illegal shipments?
Ang tindi pala ni Egay Lanzones? anang kuwagong magtataho.
Magaling talaga ito sa gawain ng mga illegal na bagay kaya hindi maitapon ng kanyang bossing? sabi ng kuwagong urot.
Malakas din ito mambukol kaya nagmamaktol ang mga kasamahang binubukulan."
Ang daming pera ni Egay Lanzones, kaya bago ang mga sasakyan nito.
Siguro Commissioner Tony Bernardo dapat ito ang ipa-lifestyle check mo sa Palasyo, sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Iyan ang aabangan natin mga kuwago ang aksyon ng mga kamote.