Nang umupo na ang bagong mayor, una niyang opisyal na akto ay ang mag-isyu ng Office Order at hilingin sa CSC na bawiin ang ginawang paghirang sa 14 na empleyado nang walang prior notice and hearing. Ayon sa kanya, ang paghirang daw na ito ay midnight appointments na ipinagbabawal ng Art. 7 Sek. 15 ng Konstitusyon kung saan ang Presidente ay hindi dapat magsagawa ng appointments dalawang buwan bago ang eleksyon ng presidente hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino, maliban na lamang sa temporary appointments.
Hindi pinagbigyan ng CSC ang kahilingan ng bagong mayor. Ayon sa CSC, ang appointments ay naaayon sa batas. Epektibo raw ito at hindi mababawi dahil pinagtibay na ito ng Head ng SCS at ang mga hinirang ay nagsimula nang gampanan ang kanilang posisyon. Bukod pa rito, ang sinasabing midnight appointments ay tumutukoy lamang sa mga appointments ng isang presidente at hindi mga appointments ng lokal na opisyal. Kaya ang dating mayor ay maaaring maghirang ng mga appointees na kwalipikado hanggang sa katapusan ng kanyang termino. Tama ba ang CSC?
TAMA. Ang midnight appointments na ipinagbabawal ng Konstitusyon ay tumutukoy lamang sa mga presidential appointees. Walang batas na nagbabawal sa mga local na opisyal na maghirang sa mga nalalabing araw ng kanilang termino.
Ang 14 na empleyado ay may legal at makatarungang karapatan. Mababawi lamang ang kanilang posisyon sa legal na dahilan at kung may notice at hearing. Ang karapatang ito ay protektado ng batas at ng Konstitusyon. (De Rama vs. Court of Appeals, G.R. 131136, February 28, 2001.)