^

PSN Opinyon

Jueteng lord kakandidatong governor

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang kandidato sa pagka-gobernador ang isang kilalang jueteng lord sa Southern Tagalog? Ayon sa aking bubuwit, 112 days na lang at eleksiyon na.
* * *
Alam n’yo bang pati jueteng lord ay kumakandidato na rin sa mataas na posisyon sa lokal na pamahalaan?

Ayon sa aking bubuwit, bagamat hindi impressive ang qualification ng isang jueteng lord, siya ay kinatatakutan ng kanyang mga kalaban sa pulitika dahil sa dami ng pera.

Limpak-limpak na salapi ang ginagamit nito sa eleksiyon. Actually, ang nagpanalo sa kanya noon ay katas din ng jueteng.

Hindi kataka-taka na kapag manalo ulit itong tinutukoy kung jueteng lord ay baka kumandidato na rin ang iba pang sangkot sa jueteng. Malay n’yo baka maging governor o mayor din balang araw sina Bong Pineda, Charing Magbuhos, Tony Santos at iba pang lord ng illegal gambling diyan.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, si jueteng lord ay walang katalu-talo simula nang ito ay maging mayor sa kanilang bayan.

Wala namang magandang performance ang mayor na ito kaya lang, dahil sa dami ng kanyang pera, kayang-kayang bumili ng boto, nanalo pa rin.

Kaya pala hindi niya pinapayagan na magkaroon ng lotto outlet sa kanyang bayan dahil makakalaban nito ang kanyang pa-jueteng.

Ayon sa aking bubuwit, bilang paghahanda sa pagkandidato ni jueteng lord sa mas mataas na posisyon, siya ay nag-alaga na rin ng mga mayors at mga barangay officials at maging public school teachers.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang kilalang jueteng lord na kandidato sa pagka-governor sa Southern Tagalog Region ay walang iba kundi si…

Siya ay si Mayor S. as in Santo Tomas.

vuukle comment

AYON

BONG PINEDA

CHARING MAGBUHOS

JUETENG

LORD

MAYOR S

SANTO TOMAS

SOUTHERN TAGALOG

SOUTHERN TAGALOG REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with