^

PSN Opinyon

Tinik na Lacson, bunutin ni Angara

SAPOL - Jarius Bondoc -
MAG-INGAT lang si Sen. Ping Lacson sa pangtutuya sa kapartidong Sen. Ed Angara. Tinatawag niyang doble-kara ang LDP chair. Dinala kasi ni Angara sa Korte Suprema ang angal sa pagkilala ng Comelec sa paksiyon ni Lacson. Ito’y sa kabila umano ng kasunduan na magkaisa sila sa lokal na kandidato at senatorial ticket.

Magpasalamat si Lacson na nagtitimpi pa si Angara; sa korte lang dumudulog. Kayang-kaya siyang patalsikin ni Angara hindi lang sa LDP kundi sa Senado rin.

Tandaan ni Lacson na utang na loob niya kay Angara na nakaupo pa siya bilang senador. Si Angara ang pumigil sa mayorya na ipahabla siya sa kasong kidnapping, murder, drug trafficking at money laundering.

Matagal nang nagpasya ang tatlong komite, na hawak ng mayorya, na ipagsakdal siya. Kaya lang, namatay si Sen. Rene Cayetano at naging mabuway na 11-10 lang ang mayorya. Hindi nila mailahad sa floor ang report, dahil sa pangambang maliligawan ni Angara si Majority Leader Loren Legarda mismo na umanib sa menorya. Pero hayan, dala ng udyok ng pulitika, naging 13-8 na ang mayorya. Lumipat na nga si Legarda sa menorya, pero lumipat din sina Rodolfo Biazon, John Osmeña at Robert Jaworski sa mayorya.

Kung tutuusin, dapat lang ilahad na ng tatlong komite ang report kontra kay Lacson. Hanggang Pebrero 6 na lang ang sesyon. Tapos, bakasyon na para sa kampanya. Babalik sila sa Hunyo para ideklara lang ang halal na Presidente at Bise. Tapos, tapos na rin ang termino nila. Bukod sa pag-aproba sa naantalang 2004 national budget, dapat tapusin na ng Senado ang iba pang nakabinbin na trabaho. Isa na rito ang botohan sa report tungkol kay Lacson, na nu’ng 2001 pa sinulat.

Mailulusot na ng mayorya ang report para pag-usapan sa floor. Hindi na basta mababara ng menorya. At dahil walang pakundangan si Lacson sa panlalait kay Angara, baka patikimin siya nito ng dagok. Baka bumoto rin si Angara na ipagisa si Lacson sa karumal-dumal na krimen.

ANGARA

ED ANGARA

HANGGANG PEBRERO

JOHN OSME

KORTE SUPREMA

LACSON

LANG

MAJORITY LEADER LOREN LEGARDA

PING LACSON

RENE CAYETANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with