^

PSN Opinyon

Pasko pa rin sa Tangub

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MATAGAL nang nagdaan ang Pasko at Bagong Taon subalit Pasko pa rin sa Tangub City, Misamis Occidental. Ayon sa kaibigang socio-civic leader na si Lolita Escobar Mirpuri na namuno sa lupon ng mga hurado sa ginanap na Christmas symbols gaya ng simbahan, arko, mala-sputnik na spaceships, kastilyo na pinahihiyasan ng malalaking parol at mga Christmas lights. Ayon kay Mayor Jennifer Tan ang malikhaing kaisipan o creativity at originality ng mga Pilipino ay pinatunayan sa naturang paligsahan na ginamit ay mga indigenous materials gaya ng kugon bunot at bao ng niyog, dayami, dahon at mga halaman at putik.

Nagsimula ang Christmas festival sa Tangub City 11 taon na ang nakakaraan ng isang higanteng Christmas Tree ay ipinatayo sa Plasa ng City Hall ni dating Mayor Philip Tan, ang asawa ng incumbent mayor na isang hasyendero na mula sa pamilya ng Tuna magnate sa Gen. Santos City, Cotabato. Parehong abogado sina Philip at Jennifer Tan na hangad ay magpatuloy ang natatanging palabas na ito sa mga darating na henerasyon. Isang documentary film tungkol sa nabanggit na okasyon ang ginawa ni Manny Frienez ng Lebak, Cotabato.

vuukle comment

AYON

BAGONG TAON

CHRISTMAS TREE

CITY HALL

COTABATO

JENNIFER TAN

LOLITA ESCOBAR MIRPURI

MANNY FRIENEZ

MAYOR JENNIFER TAN

TANGUB CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with