Magligtas sa halip na sumira ng buhay

ANG simula ng Ebanghelyo ni Mark ay tungkol sa oposisyon ng mga Eskriba’t Pariseo laban kay Jesus. Palagi nilang sinusubaybayan ang mga gawaing pagtuturo at pagpapagaling ni Jesus. Nais nilang matuklasan ang mga mali nito sa kanyang ginagawa. Nais nila itong makondenang mamatay (Mk. 3:1-6).

Muling pumasok si Jesus sa sinagoga, at naratnan niya roon ang isang lalaking patay ang isang kamay. Binantayan si Jesus ng ilang taong naroon upang tingnan kung pagagalingin niya ang lalaking iyon sa Araw ng Pamamahinga, para may maiparatang sila sa kanya. Tinawag ni Jesus ang lalaking patay ang kamay: "Halika rito sa unahan!" Tinanong niya pagkatapos ang mga tao, "Alin ba ang ayon sa Kautusan: ang gumawa ng mabuti o gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga? Magligtas ng buhay o pumatay?" Ngunit hindi sila sumagot. Habang tinitingnan ni Jesus ang mga taong nasa paligid niya, galit at lungkot ang nabadha sa kanyang mukha, dahil sa katigasan ng kanilang ulo. Bumaling siya sa lalaki at sinabi, "Iunat mo ang iyong kamay." Iniunat naman ng lalaki ang kanyang kamay at ito’y gumaling.

Umalis ang mga Pariseo at nakipagsabwatan sa mga kampon ni Herodes upang ipapatay si Jesus.


Para sa mga Eskriba’t Pariseo, ang pagpapagaling ay isang paglabag sa Kautusan ng Araw ng Pamamahinga. Matamang binantayan ni Jesus ang reaksiyon ng kanyang mga kaaway.

Sila’y nagtagumpay. Subalit ang tagumpay nila ay tagumpay ni Jesus. Ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus ang kaligtasan ng lahat ng sangkatauhan.

Show comments