^

PSN Opinyon

Dalangin para sa lahat

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
Pansamantala muna nating iwanan ang usapang medikal at bigyang-daan ang isang panalangin na isinulat ni Heidi Sison, President of the Host Trimedia.

Maraming salamat po Panginoon sa ibinigay ninyong pagkakataon para malakas kaming makapagpahayag…

Sa pamamagitan nito, nananalangin kami na maging ganap na matapang ang mga Pilipino para gumawa ng mga pagbabago na makapagpapabuti sa kalagayan ng bansa…

Maging instrumento nawa kami ng iyong taglay na karunungan…

At ngayong araw na ito… aming ipinahahayag na…

MAGKAROON NG…

Liwanag
sa puso ng mga Pilipino habang isinisiwalat nila ang katotohanan…

MAGKAROON NG…

Kamalayan
ang bawat isa sa maaari nilang gawin upang mapanatili ang liwanag na ito…

MAGKAROON NG…

Tatag ng loob
sa pagharap sa mga hamong dumarating sa bawat araw, bawat minuto at bawat sandali…

MAGKAROON NG…

Karunungan
ang lahat ng lider at mga tagasunod sa ating paglalakbay tungo sa kaliwanagan…

MAGKAROON NG…

Tunay na kaayusan
at balanse sa pagitan natin at sa bawat isa sa atin…

MAGKAROON NG…

Tapat na mamamayan ng Pilipinas
na huwaran ng magandang Pilipino at hindi ang uri ng Pilipino na ipinakikita natin ngayon…

MAGKAROON NG


Tunay na pag-asa
at kalinawan ng pananaw habang naglalakbay tayo tungo sa kinabukasan.

MAGKAROON NG…

Patnubay
mula sa itaas upang tayo ay maging kasangkapan ng Maykapal…

MAGKAROON NG…

Tiyaga
at kasinupan sa ating pagtahak sa landas ng kaliwanagan…

MAGKAROON NG…

Pagbibigayan
at tapat na pagpapahalaga sa kapwa habang tinutungo natin ang ating kapalaran.

MAGKAROON NG…

Ganap na katapatan
sa ating paghahayag sa mga pagbabagong nais nating makita…

Maniwala kayo sa ating kakayahang magawa at maisabuhay ang lahat ng ito… Bilang mga anak ng Diyos, bibigyan niya tayo ng mga bagay na kakailanganin natin upang maabot ang ating destinasyon…

May karapatan tayong maging maligaya, malusog, puno ng biyaya at may dunong…

Magkaroon sana ng pagkakataong maibalik sa tamang ayos at balanse ang lahat ng mga tahanan, institusyon, himpapawid, lupa, mga anyo ng tubig at pag-iisip ng lahat ng mga mamamayan sa Pilipinas…

At mangyayari iyon…

vuukle comment

ATING

BILANG

DIYOS

HEIDI SISON

MAGKAROON

PILIPINAS

PILIPINO

PRESIDENT OF THE HOST TRIMEDIA

TUNAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with