^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kung may bibitayin siguraduhin

-
DAPAT lang na bitayin ang mga nakagawa ng mabigat na kasalanan. Iyan ay nakasaad sa batas. Walang puwang ang mga nanggahasa, pumatay, nangidnap at nagtulak ng droga sa mundong ito, pero dapat munang siguraduhin kung ang bibitayin ay talagang may kasalanan. May sapat bang ebidensiya na magpapatunay na siya talaga ang gumawa ng krimen. Siniyasat bang mabuti ang akusado? Mayroon bang abogadong nagtanggol dito?

Ngayon ay mainit na isyu ang pagbitay sa dalawang convicted kidnappers na sina Roderick Licayan at Roberto Lara. Sa January 31 ay nakatakdang bitayin ang dalawa. May 13 araw na lamang ang nalalabi sa dalawa kung hindi ipag-uutos ni President Arroyo na ipagpaliban ang execution.

Sina Licayan at Lara ay hinatulan ng kamatayan dahil sa pangingidnap sa businessman na si Joseph Tomas Go at ng kanyang assistant na si Linda Manalaysay noong August 1998 sa Parang, Marikina. Dalawa sa kasamahan nina Lara at Licayan ang naaresto noong isang linggo at nakatakda ang arraignment sa February 9. Ang lima pa nilang kasamahan ay pawang nakalalaya pa. Sinabi ng dalawang nahuli na sina Pedro Mabansag at Rogelio de los Reyes, na walang kasalanan si Lara. Inosente ito.

Ayon sa report, nang dukutin ang dalawang biktima at dalhin sa hideout ay pinakiusapan lamang si Lara na bantayan ang mga kinidnap. Habang binabantayan ni Lara, nakiusap umano si Go na ibili sila ng makakain sa tindahan. Sumunod naman si Lara. Nang nasa tindahan na umano si Lara, tumakas ang dalawa at nagsumbong sa mga pulis. Nang dumating ang mga pulis sa bahay, si Lara ang inabutan doon at inaresto.

Maraming butas ang batas. Nahatulan si Lara na hindi nagkaroon nang mahusay at pantay na imbestigasyon. Hindi naging maingat ang mga prosecutors sa pagtitimbang ng mga ebidensiya. Sa isang iglap, nahatulan kaagad ng bitay si Lara. Masyadong naging mabilis ang paggawad ng kamatayan at hindi na dumaan sa masusing pagsisiyasat. Hinuli at shoot agad sa kulungan. Hinatulan ng kamatayan kahit na ang pitong iba pa ay nakalalaya pa. Nang mahuli ang mga kasamahang sina Mabansag at De los Reyes saka lamang nalaman na walang kasalanan si Lara.

Dapat bitayin ang mga nagkasala kabilang ang mga kidnappers. Ito ay nasa batas pero nararapat na suriing mabuti kung ang hinatulan ba ay talagang may kasalanan o nasangkot lamang. Dapat siyasating mabuti sapagkat hindi na maibabalik ang buhay. Dapat timbanging mabuti upang hindi magkamali. May katwiran na dapat buksan ang kaso nina Lara upang lumantad ang katotohanan.

DAPAT

JOSEPH TOMAS GO

LARA

LINDA MANALAYSAY

NANG

PEDRO MABANSAG

PRESIDENT ARROYO

REYES

ROBERTO LARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with