^

PSN Opinyon

"Susan Roces for President" ?

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
Kapag na disqualify daw si fernando poe, jr., Sa da presidential derby, itong may 10, 2004, maari daw siyang palitan ng kanyang asawa na si susan roces bilang kandidato.

"Now wait a minute. This is really going too far."

Tanggap natin na si Da King ay kasama na sa mga nag-aambisyon maging pangulo ng ating bayan.

Itong mga nakaraang araw, naging isyu ang Citizenship ni Ronald Allan Poe. Ang tunay na pangalan ni Fernando Poe, Jr.. Ayon sa isyu na inilalabas ng mga kritiko ni Da King ang mga magulang, parehong ina’t-ama ni FPJ ay mga dayuhan. Subalit, ang kampo ni Da King ay mariing nagsasabi na siya ay ipinanganak dito sa ating bayan, sa San Carlos, Pangasinan.

"The real issue here is whether at the time of the birth of Mr. Ronald Allan Poe, his parents opted to be Filipino citizens." Hindi ba kapag ang isang tao ay ipinanganak sa isang bansa, automatic na ikaw ay may citizenship kung saan ka ipinanganak? Ganito ba yun? Dahil si Da King ay pinanganak sa Pilipinas, natural born Filipino ang taong ito. Kung meron naka-iintindi d’yan, maari bang ipaliwanag ng mabuti ang angulong ito.

Hindi po ako supporter ni Da King. Ni hindi pa nga ako nagdedesisyon kung sino ang iboboto ko. Kailangan suriin ng mabuti, nating lahat, ang "platform of government" ng bawat kandidato.

Si Susan Roces papalit kay Da King bilang kandidato kung sakaling madisqualify siya dahil sa citizenship isyu?

Maraming insidente na ang nangyari kung saan ang may bahay ng isang kandidato ang pumalit sa kanyang asawa bilang kandidato para sa iba’t ibang posisyon. Isang halimbawa, ang nanay ni Dick Gordon, si Amelia Gordon, matapos mapatay ang kanyang asawa ay ipinalit bilang kandidato sa Olongapo City. Meron pa rin ibang ganitong pangyayari.

Si Benigno Aquino, Jr., inassasinate sa Tarmac nung 1983, dineklara ang kanyang maybahay na si Corazon Aquino bilang standard bearer ng Lakas Party. Nanalo dahil binayani ng tao si Ninoy.

Si Susan Roces tatakbong Presidente? Gusto ba ni Ms Roces ang pumasok sa larangan ng politika?

Alam ko na isina-alang-alang ni Da King ang opinion ni Ms Susan Roces bago siya pumayag sa panghihikayat sa kanya na tumakbo bilang presidente.

Napakapino at huwaran ng isang babaeng Pilipina si Ms Susan Roces. Utang na loob, huwag na lang natin siyang isali sa dumi ng politika. Kung nakikita man natin siya na kasama ni Da King sa mga "functions" at sa mga larawan sa mga pahayagan, ito’y dahil sinusuportahan niya ang desisyon ng kanyang mahal sa buhay. Ang kanyang asawa na si Da King.

Ni minsan, hindi natin narinig o nabalitaan na nasangkot si Ms Roces sa anumang eskandalo. Napanatili na niya na malinis at tahimik ang kanyang buhay.

Gusto ba niyang pasukin ang magulong daigdig ng politika?

Huwag po tayo magpadala sa mga nambubuyo at gumagamit ng ibang tao para mailagay sa kapangyarihan "at the expense of others." Kasi, kung sila ang tatakbo siguradong hindi sila mananalo sa eleksyon.

"HUWAG NA KAYO MANDAMAY NG IBA PA!"

Sa isang "breaking news" naglabas na ng desisyon ang Korte Suprema na ipinawawalang bisa ang kontrata sa isang Korean Corporation, ang MegaPacific Consortium, para sa Automated Counting. Ang ibig po nitong sabihin, balik tayo sa manual counting. Paano naman ang mga ginastos ng Comelec para sa mga automated counting machines na ito na nagkakahalaga ng mahigit sa Isang Bilyong Piso. Kulang pa ba ang pagkalugmok natin sa hirap at magtatapon tayo ng ganitong halaga? Kung ang Bilyong pisong ito, ay ibinigay na lamang sa ating mga mahihirap, lalo na sa mga nasunugan kamakailan sa Baseco Compound sa Tondo, Manila, sa mga pamilyang "na displace" sa Mindanao dahil sa walang tigil na digmaan at bombahan na nagaganap sa kanilang lugar, marami pang guminhawa ang buhay. Marami ang nawalan ng tahanan na naghahanap ng tulong at kalinga sa ating pamahalaan. Mantakin ninyo, kung gaano karami ang matutulungan na mamayan kung sa mahihirap ibinigay na lamang ang perang itinapon sa mga automated counting machines na yan.

Hindi na bago ito. Only in the Philippines. Ika nga, "walang ganyan sa States."

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAARI KAYONG TUMAWAG SA "CALVENTO FILES" 7788442. MAARI DIN KAYO MAG-TEXT SA 09179904918. SA MGA GUSTONG MAG-email sa inyong lingkod, ipadala sa [email protected]/

AMELIA GORDON

DA KING

ISANG

KING

KUNG

MS ROCES

MS SUSAN ROCES

SI SUSAN ROCES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with