^

PSN Opinyon

Pangalagaan ang pinakamaliit na unggoy

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Ngayong 2004 ay year of the monkey.

Alam ba ninyo na ang tarsier na tinaguriang ‘‘world’s smallest monkey’’ ay dito lang sa Pilipinas matatagpuan? Ang mga unggoy na ito ay endangered specie at matatagpuan lamang sa Bohol. Sa dahilang paunti sila nang paunti kaya puspusan ang conservation program na inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Philippine Tarsier Foundation Inc., isang NGO.

Ayon kay DENR Secretary Elisea Gozun, pinag-iibayo na ang research and conservation program para mapangalagaan ang pinakamaliit na unggoy. Dahil sa kakaibang elongated tarsal bones ng tarsier nagbibigay ito sa kanila ng kapasidad na lumundag ng tatlong metro sa sanga ng bawat punongkahoy. Kakaunti lang ang balahibo ng tarsiers lalo na sa buntot. Malaki ang kanilang mga mata. Bawat mata ay mas malaki pa sa kanilang utak. Gaya ng mga kuwago napapaikot nila ang kanilang ulo sa 180 degrees sa bawat direksiyon. Sila’y naghahanap ng pagkain pagkagat ng dilim. Paborito nilang kainin ang mga insekto gaya ng gagamba, kulisap at ipis gayundin ang mga munting ibon, paniki at butiking gubat. Nakatala sa Guinness Book of Records ang tarsiers sa Pilipinas.

ALAM

AYON

BAWAT

BOHOL

DAHIL

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

GUINNESS BOOK OF RECORDS

PHILIPPINE TARSIER FOUNDATION INC

PILIPINAS

SECRETARY ELISEA GOZUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with