Pag-IBIG Housing Loan counselling

Dear Sec. Mike Defensor,

Ako po ay personnel manager sa isang pribadong kompanya dito sa Kamaynilaan. Nakatanggap po kami ng sulat kung maari raw mabigyan ng leave ang ilan naming kawani sa isang linggo na dumalo ng Counselling sessions ng Pag-IBIG. Ngunit dahil naghahabol pa kami hanggang ngayon ng year-end report, hindi po namin sila kayang mabigyan ng hinihinging leave ng sabay-sabay? Paano po kaya ang aming gagawin para sa aming mga kawaning nais mag-avail ng housing loan.

Maraming salamat po.

–Minda Manalo ng Quezon City


Maaaring magpadala ang ating Pag-IBIG Office ng kanilang representatibo sa inyong tanggapan upang magbigay ng counselling o pagpapaliwanag tungkol sa Pag-IBIG Housing Loan. Kinakailangan lamang na mayroong 20 o pataas na kawaning/aplikanteng dadalo sa nasabing Counselling.

Maaring ipadala ang sulat ng inyong kumpanya sa tanggapan ni Manager Ellen Atienza, Loans Origination Division, 7th Floor, Atrium Bldg., Makati City o makipag-ugnayan sa Loans Origination Department ng Pag-IBIG Office sa tel. blg. 8114174, 848-8228 o maari ninyong i-fax ang inyong liham sa tel. nos. 8114143. Pakibanggit lamang sa inyong liham kung kelan po ninyo nais na magkaroon ng Pag-IBIG Housing Loan counselling.

Show comments