Drug rehabilitation experts nasa Pinas

DUMATING noong Sabado ng gabi sa NAIA, ang tatlong drug rehabilitation experts ng pinakamalaking therapeutic community practitioners sa buong mundo para sanayin ang concerned government authorities para sa kampanya ni Prez Gloria Arroyo versus illegal drugs.

Ang tatlo ay sina Daytop International Frederick Loka, Associate Executive Director, Michael Cliffor or Williams Haass.

Sila ay nasa Pinas para sa 2-week seminar sa drug education, prevention at paggamot at rehabilitation sa Cebu City at Metro Manila treatment and rehabilitation Center sa Pinas, Chit Castillo, Executive Vice President at Jerry Yap, SFFI consultant ang sumalubong sa kanila sa paliparan.

Ang grupong Kano ay pangalawang pangkat na dumating sa bansa para magsagawa ng seminar at turuan kung paano ang tamang pamamaraan para sa drug treatment at rehabilitation upang tulungan ang mga dupang sa droga.

Dadalawin ng tatlong Kano ang drug rehabilitation ng Seagull Flight Foundation Incorporated, sa Tagaytay at Antipolo na may 53 drug dependents na sumasailalim sa recovery at treatment program.

Kailangan natin sugpuin at tulungan ang mga dupang sa droga para bumalik sila sa normal na pamumuhay.

Isa sa pinakamalaking problema ng Pinas ang droga.

Hindi dapat pabayaan na lumawak pa ang operasyon nito.

Kaya naman walang tigil ang kampanya ng ating mga authorities sa paghuli ng mga drug laboratories, pushers at users.

Ngayon inalis ni Prez Gloria ang moratorium sa death penalty kaya nakakasiguro ang mga kuwago ng ORA MISMO, na mababawasan ang gagamit ng pinagbabawal na gamot.

‘‘Hindi lang ang mga gumagamit ang babalik sa normal na pag-iisip kundi pati mga drug lords at pushers ay hihinto sa kanilang mga kagaguhan,’’ anang kuwagong sepulturero.

‘‘Bakit naman,’’ tanong ng kuwagong Kotong cop.

"May naghihintay sa kanila sa sementeryo?’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Sino?’’

‘‘Si Kamatayan.’’

‘‘Bakit?’’

‘‘Hindi na sila sasantuhin ng mga awtoridad at vigilante sa kanilang mga katarantaduhan,’’ anang kuwagong urot.

‘‘Ibig mong sabihin may paglalagyan sila ngayon?’’

‘‘Tumpak naman! Maintindihan nila ang mensahe ngayon.’’

‘‘Diyan tama ka, kamote.’’

Show comments