At alam nyo rin bang si Mayor Tsong ay natutulog na naman sa bahay ni Kris sa Alabang, Muntinlupa City?
Ayon sa aking bubuwit, 119 days na lang at eleksiyon na.
Happy birthday muna kay Sen. Ralph Recto, Atty. Jun Laguilles, Soling Eclarinal, Dennis Sytin, Nida Sacar from Michael and Teng Sacar ng Marawi City.
Ayon sa aking bubuwit, noong January 8, 2004, bago sumapit ang alas-dose ng hatinggabi ay nagpunta at natulog pa si Joey sa bahay ni Kris sa Buckingham St., Hillsborough Subd., Alabang, Muntinlupa City.
Naku, lagot ka Kris, isusumbong kita kay Presidentita Cory at Kuyang Noynoy Aquino.
Patay kang bata ka. Baka tanggalan ka ng mana niyan sa Hacienda Luisita. Kaya lang kahit wala nang mana si Kris sa laki ng kanyang talent fee ay hindi na gugutumin yan.
Ayon sa aking bubuwit, noong Huwebes ng gabi ay sumakay na si Mayor Joey Marquez ng Isuzu Crosswind. At ang naturang sasakyan na heavily tinted ay walang plate number.
Ang galing mo talagang magtago Tsong!
Ayon sa aking bubuwit, madalas na palang nakikita si Mayor sa bahay ni Kris.
At least ay dalawang beses sa loob ng isang linggo kung matulog doon si Mayor.
Kung nagpupunta roon ng dakong hatinggabi, siya naman ay umaalis ng bahay ni Kris bago sumikat ang araw.
Totoo kayang bibilhin naman ng kapatid ni Mayor ang bahay ni Kris?
Sa magkanong halaga kaya?
Ang tindi mo talaga Tsong. Ang gandang lalaki mo.
Ano kaya ang sikreto ni Tsong at habulin ng mga chiching.
Ano ba ang style mo, idol?