Batikang citizenship lawyer si Fornier. Pero dalubhasa ba siya sa kasaysayan? Makamit kaya niya ang balak?
Kaya sumasanib ang natalo sa nanalo ay dahil sa maraming rason: Ang mga army noon, na binubuo ng mga magsasaka o magpapastol, ay nangangailangan ng pinuno. Saka may unwritten code noon na walang ubusan ng lahi, kundi agawan lang ng teritoryo. Kailangan din ng nanalo ang mga natalong tauhan para patakbuhin ang ekonomiya ng sinakop na lugar. Kumbaga, kailangan nila ang isat isa.
Hindi ganun ang giyerang pulitika, lalo na sa multiparty system. Kung ma-DQ man si FPJ, maraming pagpipilian ang supporters niyang nawalan ng standard bearer. Merong sasali kay GMA, dahil nagpapakita ito ng lakas. Ika nga, may hatak ang bandwagon effect. Ilan din sa kanila, dahil disgustado sa administrasyon, ay malamang umanib na lang kay Ping Lacson. Miski malalim ang hidwaan nila kay Lacson, mabuti na kaysa wala, ika nga. Problema nga lang, iaangat sa Korte Suprema ang isyu ng maling paghati ng Comelec ng accreditation sa paksiyon ni Poe at ni Lacson. Kung bawiin ang accreditation kay Lacson, mananatili siyang independent-hindi puwedeng kumuha ng official copies ng precinct tallies at certificates of canvass.
Katiting lang ang susuko at sasama kay Roco. Kasi, magagalit sila sa kung sinong tumagpas sa idol nilang FPJ. Baka nga marami sa FPJ supporters ay mawalan na ng gana sa eleksiyon, at hindi na lang bumoto.
Sugal ang ginawa ni Fornier. Kailangan pa ngayon ligawan ni Roco ang tatlong grupo ng FPJ supporters: ang Erap loyalists, ang mga partido nina Angara at Pimentel, at ang mga nangalap ng limang milyon pirma para kumandidato ang kawawang si FPJ.