^

PSN Opinyon

Para sa DENR: Basahin ang liham na 'to!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
KAMAKAILAN mahigit sa dalawang daang katao ang nasawi sa naganap na ‘‘landslide’’ sa bahagi ng Southern Leyte at Caraga region. Itinuturong ugat ng problema ang pagkakalbo ng kabundukan sa nabanggit na mga lugar.

Matapos ang malagim na trahedya, kapwa sisihan ng mga nasa gobyerno ang kasunod nito. ’Ika nga, puro NGAWA ngunit kulang naman sa GAWA.

Masahol nito, ang mga hinayupak na taong nagkamal ng salapi tuloy sa kanilang pagiging ganid, subalit ang walang kinalamang taumbayan ang nadidisgrasya.

At upang hindi raw matulad sa nangyaring trahedya, nagpaabot ng reklamo sa aming tanggapan sa pamamagitan ng liham ang mga residente ng General Tinio sa Nueva Ecija.

Pinaabot din ito sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang magpakitang-gilas na masugpo ang nagaganap na illegal logging sa kanilang lugar.

Ayon sa mga lumiham, lantaran ang nagaganap na pagpuputol ng puno. Anila, ito’y ginagawa ng mga hayupak na illegal loggers tuwing gabi.

Naniniwala ang kolum na ’to, hindi nangyayari ang ganitong iligal na gawain kapag walang basbas ang mga nasa gobyerno.

Nasa sa inyo na kung anong aksiyon ang gagawin ninyo sa reklamong ito. Basahin ang liham!
* * *
Dear Mr. Tulfo,

Magandang araw at mabuhay kayo. Nais po naming ipaabot sa inyong tanggapan ang matagal na naming problema sa illegal logging sa aming lugar dito sa Papaya, General Tinio, Nueva Ecija.

Lubhang nanganganib na po ang aming lugar dahil sa patuloy na pagkakalbo ng aming bundok dahil sa walang habas na pagtrotroso ng ilang kilalang negosyante.

Ginagawa ang pagpuputol ng puno gabi-gabi at binibiyahe ito kinabukasan ng madaling-araw. Hindi po ito binibigyan ng pansin ng aming mga opisyales sa aming lugar.

Ito po ang address ng bilyonaryo nang illegal logger, 3104 Barangay Concepcion, Gen. Tinio, Nueva Ecija. Likod po ito ng East Central School.

Bukod sa panganib na maaari pong mangyari, malaking perhuwisyo sa bayan natin ang ingay at hindi makatulog sa gabi dahil sa pagpuputol din ng troso kahit na sa hatinggabi.

Kailangan na po namin ang tulong ninyo at ipaabot ang problema namin kahit na sa inutil na tanggapan ng DENR.

Lubos na nagpapasalamat.

Anonymous residents of Gen. Tinio, Nueva Ecija

BARANGAY CONCEPCION

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

EAST CENTRAL SCHOOL

GENERAL TINIO

MR. TULFO

NUEVA ECIJA

SOUTHERN LEYTE

TINIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with