Ping, the lonesome cowboy
January 12, 2004 | 12:00am
SOLO FLIGHT na sasabak si Sen. Panfilo Lacson sa 2004 presidential race. Sa kabila nitoy naniniwala siyang magwawagi sa eleksyon.
Kampante rin ang other side of the opposition na tiyak ang panalo ng kanilang manok na si action king, Fernando Poe, Jr. Katuwiran ni Ping, wala siyang running mate at wala ring senatoriables dahil ibig niyang patunayang hindi siya traditional politicians. Nakatuon daw sa agenda at hindi politika ang kanyang venture sa pagka-pangulo.
Magulo pa rin ang hanay ng oposiyon, Hindi magkaisa. Bukod kina Lacson at FPJ, naririyan pa rin si Raul Roco at Eddie Villanueva na sasabak sa presidential elections.
Tuwang-tuwa naman ang kampo ng administrasyon sa pagkakawatak ng oposisyon. Natural, pabor ito kay Presidente Arroyo na ngayon pa lang ay kampante nang magwawagi sa eleksyon. Kaya puro pakitang gilas na lang ang ginagawa ni Presidente Gloria. Maraming napapalathalang achievements sa pagsugpo ng kriminalidad. Kabi-kabila ang mga nalalambat na kidnappers at drug lords.
Ngunit ipagpalagay nating manalo nga si Presidente Gloria (na malamang mangyari), lalabas na hindi pa rin siya halal ng nakararaming Pilipino. Naluklok lamang siya dahil nagkahati-hati ang boto ng oposisyon dahil marami silang isinabak na kandidato sa pagka-pangulo.
Umaasa ako na sa dakong huli, dalawa na lang ang maglalaban sa pagka-presidente. Kailangan ito upang makaseguro na ang uupo sa trono sa Malacañang ay halal ng nakararami at mayroong mandate ng sambayanang Pilipino. Kung hindi, puro pamumulitika na naman ang mangyayari. Babatuhin na naman ng sari-saring asunto (totoo man o imbento) ang Presidente kaya paralisado ang operasyon ng gobyerno. Sanay matuto na tayo sa mga leksyon ng nakaraan. Iboto natin ang inaakala nating malapit at may takot sa Diyos at may kakayahan din namang mamuno sa ating bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am