Nakalulungkot isipin na naglipana ngayon sa teleisyon ang mga Tsinobela at Mexican soaps na pumapatay sa local TV industry. Sobrang apektado ang mga artista, direktor, manunulat at maging mga crew sa dahilang nawalan o nabawasan ang kita nila dahil ang mga timeslot sa TV na dapat sanay para sa mga local shows ay inokupa na ng mga Chinese at Mexican na palabas.
Kalabisan nang sabihin na dalawang dambuhalang network ang nagpapaligsahan sa pagpapalabas ng mga imported telenobelas mula umaga hanggang gabi.
Malaking bentahe sa mga TV stations ang magpalabas ng mga telenobela. Nakatitipid sila ng malaki kaysa mag-produce ng soap operas sa TV na napakalaki ng production cost. Wala na silang babayarang artista, direktor, writer at iba pang involve sa production. Ayon sa mga taga-TV industry, malaking bagay ang mawalan at makulangan ng show sa kanilang pang-araw-araw na kabuhayan.