^

PSN Opinyon

Pinsala ng mga imported telenobela

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
LIKAS sa mga Pilipino na humanga lalo na sa mga artista at mang-aawit na dayuhan. Sa mga nakaraang konsiyerto ng mga foreign singers ay ‘‘standing room only’’ at halos ay mag-unahan at dambahin ang mga idols nila. Ang F4 mania ay tuloy pa rin patunay ang matagumpay na Konsiyerto ng mga Meteor Stars na hindi naman masasabi na mga ‘‘total performers." Sobrang fanatico ang mga fans nila Jerry Yan na kung titingnang mabuti ay wala namang masyadong ‘‘dating’’ at mas hamak pogi sina Piolo, Echo at iba pang Hunks.

Nakalulungkot isipin na naglipana ngayon sa teleisyon ang mga Tsinobela at Mexican ‘‘soaps’’ na pumapatay sa local TV industry. Sobrang apektado ang mga artista, direktor, manunulat at maging mga crew sa dahilang nawalan o nabawasan ang kita nila dahil ang mga ‘‘timeslot’’ sa TV na dapat sana’y para sa mga local shows ay inokupa na ng mga Chinese at Mexican na palabas.

Kalabisan nang sabihin na dalawang dambuhalang network ang nagpapaligsahan sa pagpapalabas ng mga imported telenobelas mula umaga hanggang gabi.

Malaking bentahe sa mga TV stations ang magpalabas ng mga telenobela. Nakatitipid sila ng malaki kaysa mag-produce ng soap operas sa TV na napakalaki ng production cost. Wala na silang babayarang artista, direktor, writer at iba pang involve sa production. Ayon sa mga taga-TV industry, malaking bagay ang mawalan at makulangan ng show sa kanilang pang-araw-araw na kabuhayan.

AYON

JERRY YAN

KALABISAN

KONSIYERTO

MALAKING

METEOR STARS

NAKALULUNGKOT

NAKATITIPID

SOBRANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with