^

PSN Opinyon

Pagkatapos mag-menopause umaatake ang atherosclerosis

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
KAPAG nagkakaedad ang tao, ang ugat ay tumitigas – ito ang tinatawag na atherosclerosis. Ang pagtigas ng ugat ay dahil sa mga nakadepositong fat na tinatawag na atheroma sa wall ng arteries. Nananatili ito roon sa paglipas ng mga taon. Mas madalas umatake ang atherosclerosis sa mga naninigarilyo at sa mga taong may mataas na cholesterol levels. Ang mga lalaki na may edad sa mahigit 40 ang kadalasang apektado ng atherosclerosis.

Ang mga kababaihan ay libre sa atherosclerosis sa panahon ng kanilang reproductive years dahil sa estrogen na pumipigil sa cholesterols level. Subalit pagkatapos nilang mag-menopause, nagsisimula nang madevelop at mabilis ang atherosclerosis.

Ang pagtigas kasi ng ugat ang dahilan, hindi na elastic kaya apektado ang pagdaloy ng dugo sa tissues. Ang blood pressue ay mag-iincrease at masisira ang tissues. Kapag ang coronay arteries ay grabeng naapektuhan, magkakaroon ng pananakit ng dibdib kaugnay ng angina at madedevelop ang iba pang heart diseases. Karamihan sa mga atake sa puso at strokes sa mga nagkakaedad ay dahil sa atherosclerosis.

This results from the accumulation of low density lipoprotein – the lipoprotein that carries the cholesterol in the blood in cells called macropahages in the artery wall. Macrophages are cells that mop up cellular debris.

Normally they do not take up lipoprotein, but if lipoprotein is oxidized they gobble it up and become so ingorged with cholesterol that they form fatty streaks on the artery wall. Ang mga fatty streaks ay nawawala subalit ang iba ay nagpapalit lamang —- tinatawag na plaques. Ang dahilan nito ay ang pagkamatay ng macrophages sa fatty streaks. The dying macrophages send out chemical signal that result in scars forming.

ATHEROSCLEROSIS

CHOLESTEROL

DAHIL

KAPAG

KARAMIHAN

LIPOPROTEIN

MACROPHAGES

NANANATILI

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with