^

PSN Opinyon

Incredible si Bernardo

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SALUDO ang mga kuwago ng ORA MISMO kay Customs Commissioner Antonio Bernardo dahil nilampasan nito ang target revenue collection na iniatang ng Department of Finance sa kanya.

Nitong nakaraan taon, nakuha nila ang koleksiyon dahil may P9.569 billion ang naipasok ng mga bataan ni Bernardo sa kaban ng bayan kumpara sa P8.127 billion assigned target collection o 17.6 percent above goal.

Sa madaling salita, maliwanag na par excellence ang kanilang target dahil sobra ito ng P1.443 billion. Ngayon lang nangyari ito sa kasaysayan ng bureau na sumobra ang kota nila. Salamat naman at tumubo ang gobyerno ng malaki-laking pera kumpara noong isang taon.

Ang Koleksiyon ni Bernardo noon 2003, ay may kabuuan na P106.056 billion ang assigned target ay P100.056 billion. Lumago ng 6 percent ang pera ng gobyerno o P6 billion. Maganda ang patakbo ni Bernardo sa bureau kaya naman ang mga empleyado dito ay naghigpit ng sinturon para matulungan ang naghihikahos na ekonomiya.

Ayos ang naging style ni Bernardo, tamang pangongolekta lang sa mga businessmen ng taxes and duties presto ang bayan. Nakadikit at mahirap alisin sa isipan ng mamamayan ang matinding kurapsyon sa bureau wala kasing naniniwala sa mga ito na walang corruption ngayon sa customs. Ika nga, sa gobyerno muna ang pasok ng koleksiyon hindi sa bulsa.

Kaya naman pinatunayan ni Bernardo sa public na kontrolado niya ang mga empleado sa BOC. Kasi kung hindi tiyak bagsak ang buwis. Hindi ba Mr. Ombudsman?

‘‘Sino ngayon ang kurap?’’ tanong ng kuwagong uhaw sa laman.

"Na-control ni Bernardo ang mga gago sa bureau kaya nagkaganito ang koleksiyon niya’’ anang kuwagong gatongero.

‘‘Mukhang naghugas kamay ang mga gago at tirador sa bureau?’’ anang kuwagong Kotong cop.

‘‘Siyempre may budhi sila!’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Maganda ang nangyari kaya bilib tayo kay Bernardo?’’

‘‘Baka naman gamitin lang sa eleksiyon ang sobrang koleksiyon?’’

‘‘Iyan ang dapat bantayan natin, kamote!’’

ANG KOLEKSIYON

AYOS

BERNARDO

BILLION

CRAME

CUSTOMS COMMISSIONER ANTONIO BERNARDO

DEPARTMENT OF FINANCE

MAGANDA

MR. OMBUDSMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with