^

PSN Opinyon

Ang pagpapagaling sa isang ketongin

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
ALAM natin kung ano ang ketong. Mayroong lugar para sa mga ketongin sa Cebu, sa Culion, Palawan at sa Tala, Novaliches.

Sinisira ng ketong ang katawan. Ang mga daliri ay napupunggok at ang ilong ay nababaluktot. Ngayon, tulad nang sa panahon ni Jesus, iniisip ng mga tao na ang ketong ay madaling makahawa.

Tingnan kung ano ang naging reaksiyon ni Jesus nang siya’y lapitan ng isang ketongin (Lk. 5:12-16).

Nang si Jesus ay nasa isang bayan, isang lalaking ketongin ang lumapit sa kanya. Pagkakita ng ketongin sa kanya, ito’y nagpatirapa at namanhik sa kanya, "Ginoo, kung ibig po ninyo, ako’y inyong mapapagaling." Hinipo siya ni Jesus at ang sabi, "Ibig kong gumaling ka!" Pagdaka’y nawala ang kanyang ketong. Pinagbilinan siya ni Jesus na huwag itong sasabihin kaninuman. Inutusang pumunta sa saserdote at pasuri. Maghandog ng haing iniuutos ni Moises, bilang patotoo sa mga tao na gumaling na sa ketong.

Ngunit lalo pang kumalat ang balita tungkol kay Jesus, kaya’t dumagsa ang napakaraming tao upang makinig at magpagamot sa kanya. At si Jesus ay laging nagpupunta sa ilang na pook at nananalangin.


Ang ketongin ay may ganap na pagtitiwala sa kabutihan ni Jesus. Na si Jesus ay may kapangyarihang magpagaling. Itala natin na tinanggap ni Jesus ang ketongin bilang isang tao. Na nangangailangan ng tulong. Walang-pasubaling inabot ni Jesus ang kanyang kamay at hinipo ang ketongin. Gumaling ang ketongin.

Naparito siya upang pagalingin ang ating mga sakit, ang ating mga karamdaman. Naparito siya upang gapiin ang kasamaan, kasalanan at kamatayan. Maaaring wala tayong ketong tulad ng taong kanyang pinagaling. Subalit lahat tayo’y makasalanan. Kailangan nating malinisan sa hipo ni Jesus. Naparito siya upang ibigay sa atin ang kapatawaran. Muli tayong gawing ganap at buo.

CEBU

CULION

GINOO

GUMALING

HINIPO

IBIG

INUTUSANG

JESUS

KETONGIN

NAPARITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with