^

PSN Opinyon

Obligasyon sa credit card

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
ANG CMC, isang kompanya ng credit card ay nag-isyu ng Mastercard No. 5423-3920-4557-7009 kay Teddy nang mag-apply ito noong March 15, 1990.

Madalas gamitin ni Teddy ang kanyang credit card sa pamimili kung saan nakakabayad naman siya sa kompanya. Subalit noong January 20, 1995, nang ipakita ng kompanya sa kanya ang kanyang statement of account, umabot ito sa P191,693.25 inklusibo ang 3.5% na interes kada buwan at service charges. At nang hindi mabayaran ni Teddy ang kanyang obligasyon matapos ang ilang pakiusap, kinasuhan siya ng CMC sa Metropolitan Trial Court.

Sa pagdinig ng kaso, naging pangunahing saksi ng CMC ang assistant manager nito na si Hermie. Naipakita ni Hermie ang mga xerox na kopya ng mga sales invoices o charge slips ni Teddy na umabot lamang ng P24,388.36. Ayon pa rin kay Hermie, ang orihinal nito ay may tatlong kopya, isa kay Teddy, ikalawa ay nasa mangangalakal at ang ikatlo ay nasa CMC. Ayon pa kay Hermie, hinanap niya ang mga orihinal nito sa CMC kung saan ang Credit Card Network (ECCN Inc.) ang mag-aapruba nito. Subalit hindi ipinagpatuloy ni Hermie ang paghahanap bagkus ay tinukoy na lamang niya na signatura ni Teddy ang makikita sa xerox na kopya ng sales invoices na kapareha ng nakatala sa application form nito.

Basehan ang ebidensiyang mga xerox na kopya bilang patunay ng paggamit ni Teddy ng kanyang credit card, pinaboran ng Korte ang CMC subalit hanggang sa halagang P24,388.36 lamang at hindi ang kabuuang halagang P191,693.25. Kinumpirma ng RTC ang desisyon ng mababang korte subalit hindi ng CA. Ayon sa CA, ang mga xerox na kopya ay hindi mabisang ebidensiya ng sales invoices o charge slips. Napatunayan lamang ng CMC sa Korte ang pagkakaroon ng sales invoices sa pamamagitan ng pagpapakita ng xerox ng kopya subalit hindi nito lubusang naipaliwanag ang dahilan ng kawalan ng orihinal nito. Tama ba ang CA?

TAMA.
Ayon sa ating batas, ang orihinal na kopya ng isang obligasyon ang pinakamabisang ebidensiya samantalang ang mga xerox na kopya nito ay sekundarya lamang. Maliban dito, maaaring ang orihinal ay higit pa sa isang kopya subalit ang lahat ng kopyang ito ay itinuturing na orihinal. Kaya magagamit lamang ang sekundaryang ebidensiya kung mapapatunayan na ang lahat ng kopya ng orihinal ay nasira o nawala matapos ang masikap na paghahanap dito.

Sa kasong ito, ang orihinal na sales invoice na paksa ng kaso ay mayroong tatlong kopya. Ang tatlong kopyang ito ay itinuturing na orihinal ayon sa Rule 130 Section 4(b) of Rules of Court. Samantala, nagkulang ang CMC na patunayan na ang tatlong orihinal na kopya ng sales invoices ay nawala at hindi maisumite matapos ang masikap na paghahanap nila nito. Bukod dito ay hindi na rin muling inalam ni Hermie kung nakakuha ng orihinal na kopya ang ECCN Inc.

Kaya, ang mga xerox na kopya na isinumite ng CMC sa Korte ay hindi makakapagpatunay na may obligasyon sa kanila si Teddy. (Citibank, N.A. Mastercard vs. Efren S. Teodoro G.R. 150905 September 23, 2003)

AYON

CMC

CREDIT CARD NETWORK

EFREN S

KOPYA

KORTE

NITO

ORIHINAL

TEDDY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with