Kahalintulad nito ang nangyari sa mga alagad. Datapwat wala sila sa himpapawid. Silay nasa Dagat ng Galilea. Hinampas ang kanilang bangka nang malalakas na hangin at alon. Basahin ang Mark 6:45-52.
Agad pinasakay ni Jesus sa bangka ang kanyang mga alagad at pinauna sa Betsaida, sa kabilang ibayo ng lawa, samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Pagkaalis nila, siyay umahon sa burol upang manalangin. Sumapit ang gabi.
Nasa laot na noon ang bangka, samantalang si Jesus ay nag-iisa sa katihan. Nakita niyang nahihirapan sa pagsagwan ang kanyang mga alagad, sapagkat pasalungat sila sa hangin. At nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Lalampasan niya sana sila, ngunit nakita ng mga alagad na siyay lumalakad sa tubig, kaya napasigaw sila.
Ang akala nilay multo, at kinilabutan silang lahat. Ngunit agad niyang sinabi, "Huwag kayong matakot, si Jesus ito! Lakasan ninyo ang inyong loob!"
Sumakay siya sa bangka, at tumigil ang hangin. Silay lubhang nanggilalas, sapagkat hindi nila nauunawaan ang nangyari sa tinapay; hindi pa abot ito ng kanilang isip.
Para sa mga Judio, ang nagagalit na dagat ay tirahan ng mga masasamang elemento. Hindi kasama ng mga alagad si Jesus. Nang mga sandaling iyon na kailangan nila si Jesus, siya ay hindi nila kasama. Pagkatapos, si Jesus ay nagpakita sa kanila. Ang akala nila siyay isang multo. Pinatahimik sila ni Jesus habang kanyang pinatatahimik din ang mga alon at hangin.
Dapat nating matutuhan sa ating buhay na makita ang presensiya ng Diyos kapag tayoy nahaharap sa mga problema at kapag nararamdaman natin ang kadiliman at kawalang-pag-asa. Si Jesus ay parating nasa tabi natin.