Ayon sa aming impormante maraming naglipanang call boy sa Taft Avenue, Maynila. Gabi hanggang madaling-araw kung pumasada sila. Madalas na tumambay sila sa Leon Guinto Street at sa Juan Nakpil Street. Silay lumalapit sa mga kotse at sumisilip sa bintana at inaalok ang mga alam nilang gusto ng kanilang serbisyo na karamihan ay mga bakla at matrona.
Ang mga call boy ay mga bata pa, edad 16 hanggang 25, macho at maporma. May nagpre-presyo ng P2,000, 1,500, P1,000 at habang lumalalim ang gabi bumababa ang presyo nila. Iyong mga unang nagturing na P700 ay nagiging P500 at ang P500 ay nagiging P300.
Maraming reklamo lalo na sa mga bading ang natala sa police blotter. Reklamo nila na ang ilang call boy na na-pick-up nila ay hindi pala estudyante at ninanakawan sila ng pera at cellphones.
Makailang beses nang nagsagawa ng entrapment operation ang mga pulis at maraming call boy ang nahuli. Ilang gabi lang ay balik sa dating gawi sila ang mga male prostitutes na umanoy mga working students sa ilang unibersidad sa Kamaynilaan.