^

PSN Opinyon

Umurong din kaya ang bayag ni Ebdane gaya ni Lina sa jueteng ?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
HELD in abeyance ang intelihensiya sa jueteng at iba pang klaseng sugal ang opisina ni NCRPO Dir. Ricardo de Leon sa linggong ito. Ibig sabihin mga suki, hindi naman totally tabla ang NCRPO kundi ipinatigil muna ang koleksyon ng intelihensiya dahil nagigisa ang pangalan ni De Leon at maaring tamaan siya ng drama ni PNP chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr. sa jueteng. Nitong nagdaang linggo kasi, kaliwa’t kanan ang pagbatikos sa liderato ni De Leon ukol sa patuloy na ‘‘tong’’ collection ng mga pulis at sibilyan na umano’y kaalyado niya. Imbes kasi na sundin ni De Leon ang kautusan ni Ebdane na ipasara ang jueteng sa Metro Manila eh mukhang taliwas ang ginagawa niya kung itong patuloy na pag-iikot nina Egay Lazaro at iba pa ang gagawing basehan. Pero nitong Sabado nagpalabas ng kautusan ang NCRPO nga na ipatigil muna ang pag-iikot ni Egay at mga kaalyado niya. May kinalaman kaya rito si Sr. Supt. Bondoc ng RISOO? He-he-he! Paalala lang kay Bondoc, walang baho na hindi sumisingaw.

Sa panig naman ng mga gambling lords, iniipon nila ang hindi nakolektang intelihensiya ng NCRPO. Handa naman silang iabot ang naturang halaga sa sinumang mapalad na nilalang na bigyan ng basbas ng opisina ni De Leon kahit umabot pa ng ilang buwan ang pakulo nga nila. Kaya naman pala ipina-hold ang koleksiyon ng NCRPO ay dahil magulo ito. Baka plantsahin muna ng NCRPO para maging tahimik na ang kalakaran at walang baho na maamoy ang sambayanan. ’Ika nga kung walang nag-iingay tuluy-tuloy ang ligaya ang mga opisyales ng NCRPO pati na ang mga kolektor at kanilang mga amo. Get n’yo mga suki? He-he-he! Tulad ng ipinangako ko, magsisilbi tayong mata ni De Leon para makarating sa kanya ang mga tiwaling opisyal na gumagamit ng pangalan niya.

Para naman sa kaalaman ni Gen. Ebdane, eh biglang nagbukasan na ang jueteng sa Region 1, 3 and 4 nitong Linggo. Ibig bang sabihin nito nahimasmasan na si Ebdane o yumuko na rin siya sa sobrang lakas ng padrino ng mga jueteng lords? Tulad ni Interior Secretary Joey Lina, umurong din kaya ang bayag ni Ebdane sa kampanya niya sa jueteng? Kung sabagay, dalawang linggo lang nagulo ang operation ng mga jueteng lords sa kampanya ni Ebdane di tulad ni Lina na umabot sa halos isang taon ang pagdurusa nila, he-he-he! Mabuti pa ang mga pelikula ni Fernando Poe Jr., palaging maganda ang ending, eh itong jueteng campaign ng goberno natin, laging bitin. Ano ba ’yan?

Pero marami rin ang nakikinabang sa jueteng campaign ni Ebdane. Tulad na lang ni Gene Lopez ng RISOO. Sinamantala niya ang kahigpitan ng kampanya sa illegal gambling para manghingi ng abot langit na intelihensiya sa mga gambling lords sa Metro Manila.

Ang isa sa mga nilapitan ni Lopez ay ang racehorse bookies king ng Maynila na si Oscar Simbulan alyas Boy Abang. Ayon sa Manila’s Finest, handang magbigay ng P50,000 kada linggo si Boy Abang pero P150,000 naman ang iginigiit ni Lopez. Anong say ni Gen. De Leon dito kay Lopez?

BOY ABANG

DE LEON

EBDANE

EGAY LAZARO

FERNANDO POE JR.

JUETENG

LOPEZ

METRO MANILA

TULAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with