Gulo sa ibang partido pabor kay GMA
January 6, 2004 | 12:00am
HINDI na tayo makaaasa na tatakbo ng normal ang ating pamahalaan. Ang mga opisyal natin sa Malacañang, Senado, House of Representatives at sa lahat ng ahensiya ng gobyerno ay pamumulitika na lamang ang inaatupag. Halos lahat ng mga ito ay nasa labas at nangangampanya.
Hindi na maitatago pa ang pagkakagulo ng mga senador at mga kongresista na kilalang nasa oposisyon. Wala nang laman ang mga balita kundi ang kanilang bangayan, siraan at pataasan ng ihi. Ara-araw nang ganito ang nagaganap na nagpapatunay lamang na wala na silang panahon pang pagtuunan ang kanilang mga tungkulin. Hindi na nila itinatago na sila ay mga professional politician at hindi public servants.
Hindi na magtatagal at mahahalata na natin kung sino sa mga tumatakbo kung sino ang mga oportunista. Ang iba naman ay pang-sariling interes lamang ang pananaigin kesehoda mang magkawasak-wasak ang partidong kanilang kinakaaniban. Lilipat ang mga ito sa ibang partido kung saan sila makalalamang at makakakuha ng mas higit na benepisyo.
May palagay akong mahirap nang magkaayusan pa ang mga matataas na pinuno ng LDP, ang pinakamalaking partido ng oposisyon sapagkat ayaw magbigayan sina Sen. Ed Angara na chairman ng LDP na ang minamanok ay si FPJ at ang grupo ni Rep. Butch Aquino. Sec. General LDP na ang manok ay si Sen. Ping Lacson. Gusto ng bawat panig na sila ang maghari kung ang manok nila ang mananalo.
Dahil sa kaguluhang ito naniniwala ako na nakakalamang dito si President Gloria Macapagal-Arroyo. Unti-unti nang maglilipatan kay GMA at biglang dadami ang mga susuporta sa kanya sa 2004. Ang masaklap nito ay baka hindi malayong may umayaw nang kumandidato sa pagka-pangulo at mag-concede kay GMA. Anything can happen in politics, di po ba?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am