^

PSN Opinyon

Si GMA at ang silent majority

- Al G. Pedroche -
NATALAKAY ko kamakailan na mabuting alternatibo si Bro. Eddie Villanueva sa hanay ng mga kumakandidato sa pagka-presidente na ang karamiha’y may bahid ng pulitika at nababalutan ng mga masasamang akusasyon. At kahit naniniwala tayong mahusay na lider si Presidente Gloria, may panganib na kapag naluklok siyang muli sa poder, hahataw muli ang mga pangit na akusasyon laban sa kanya na makaaapekto sa pagsulong ng kaunlaran.

Kinontra ako ng isang kaibigan. Dahil lang daw ba sa takot sa mga political detractors ni GMA ay hindi na natin siya iboboto? Kung si GMA daw ay handang harapin ang kanyang mga tagatuligsa, bakit naman daw di siya dapat suportahan ng mga naniniwala sa kanyang agenda? Naniniwala ang kaibigan ko na sa dakong huli, ang "silent majority" ang hahatol at muling magluluklok kay Mrs. Arroyo sa Malacañang. Inisa-isa ng kaibigan ko ang mga nagawa ni GMA. In fairness, gusto kong ilathala ang mga ito: Si GMA lamang aniya ang, bukod kay Ramon Magsaysay ang Presidenteng sorpresang dumalaw sa mga presinto ng pulisya, NAIA, at iba pang ahensya ng gobyerno upang tiyaking nagtatrabaho ng tama ang mga opisyal at kawani;

Napanatili ni GMA ang pisong halaga ng pandesal at otso pesos kada lata ng sardinas; Sa kabila ng pagtaas sa presyo ng krudo sa pandaigdig na merkado, nanatili ang presyo ng pasahe dahil personal siyang nakiusap sa mga drivers at operators gayundin sa mga kompanya ng langis upang mabigyan ng diskuwento ang mga pampublikong transportasyon;

Dagdag ng igan ko, napanatili ang P60 kada kilo ng galunggong at P14 bawat kilo ng bigas. Nahigitan din ng administrasyon ni GMA ang ibang administrasyon sa dami ng pabahay na ipinamahagi sa mga maralita;

Bukod diyan, aniya, nakatakda na ang operasyon sa Abril 2004 ng "Tren-Ikot" na mag-uugnay sa lahat ng mass transit system sa Metro Manila. Ito ang tinataguriang pundasyon ng mass-based transport system policy ng administrasyong Arroyo. Ito diumano’y solusyon sa sumisikip na daloy ng trapiko sa Kamaynilaan. Ngunit ito ang hinagpis ng kaibigan ko, maraming Pinoy ang hindi nakababatid ng mga benepisyong ito dahil sa kabi-kabilang paninira sa administrasyon.

ABRIL

BUKOD

DAGDAG

EDDIE VILLANUEVA

METRO MANILA

MRS. ARROYO

PRESIDENTE GLORIA

RAMON MAGSAYSAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with