Sa taong ito Ang Alay sa Dumagat ay gaganaping muli sa Angat Dam na nasa Hilltop ng NAPOCOR sa Norzagaray, Bulacan. Si Dr. Rene Santos at ang kanyang magandang maybahay na si Amy ang mamumuno ng Alay Sa Dumagat na nasa pang-apat na dekada na. Maraming pagkakataon na naging bahagi rin ng outreach program para sa naturang cultural minorities ang inyong Mahal gayundin sina TV-film Director Willie Schneider, Ian Vendivel at iba pang volunteer public servants kabilang ang yumaong Ka Blas Ople at ang best friend ko the late Mrs. Betty Go Belmonte, butihing maybahay na ngayon ay Quezon City Mayor Sonny Belmonte.
Apat na araw ang paglalakbay ng mga Dumagat para marating ang Napocor site kung saan ginaganap ang outreach program na isa ring medical-dental mission. Binibigyan ng mga pagkain, damit, gamot at iba pang pangangailangan ng humigit-kumulang na dalawang libong katutubo.
Nagpapasalamat ang pamilya ng yumaong Alejo Santos na isa ring bayani ng Bulacan sa mga nagbukas palad para makalikom ng mga ipamamahagi sa mga Dumagat kabilang sina Ambassador Whin-Shing Wu ng Taipei Economic and Cultural office in Manila; La Loma, Quezon City Lines Club sa pangunguna nina Dominador Tan at Jojo Veterbo, Mr. Ver Medina at mga kasanib ng Retirees Activities Office; Philippine Medical Association spearheaded by Gov. Antonio Cabigas; APMA nina Amy Santos; Quezon City Medical Association under Ronald Yu; Reserve Officers Legion of the Philippines, Engineer Cesar Bautista, Soling Velasco, William Kim, Eusebio Sy at marami pang ibang mapagkawanggawa.
Si Kagawad Leonardo Nepomuceno ng Barangay Hilltop NPC ang sumusundo sa mga katutubo para sa Alay sa Dumagat. Makabuluhan ang proyektong ito sa mga unti-unti ng naglalahong mga katutubo. Hindi sila dapat kalimutang tulungan ng pamahalaan.