Gusto kong gamitin ang kolum na ito upang magpa-alala sa mga taong walang kadala-dala sa pagsalubong ng Bagong Taon sa kanilang ibat ibang estilo.
Hindi na bale sana kung katigasan ng kanilang kukote sila lang madidisgrasya. Ang problema nadadamay sa kamalasan ang ibang walang kinalaman.
Nakikiisa ang kolum na to sa pagiging sirang-plaka ng pamahalaan. Maging ilang opisyal ang paulit-ulit na lang sa pagpapagunita. Ang iba tuloy ginagamit na itong pampapogi sa telebisyon.
Subalit ang resulta nito, tumataas pa rin ang bilang ng mga nadidisgrasya sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Nariyan yung naputulan ng daliri at kamay. Ang pinakamasahol pa ang masunugan ng bahay at makitlan ng buhay sa pagpasok ng Bagong Taon.
Kaugnay nito sa posibleng pagkakaroon ng magkakasabay na sunog dahil sa ibat ibang estilo ng pagsalubong sa pagpalit ng taon.
Nagsalita si Fire/Col. Danilo Cabrera, Fire Marshall sa National Capital Region sa aking radio program sa DZME, kanyang tiniyak ang pagiging handa na rin daw ng kanilang mga gamit.
Ayon sa opisyal, alas-6 pa lang daw ng gabi, mag-iikot na ang kanilang mga tauhan. Ito ay upang arestuhin ang mga taong walang kadala-dala
Idinagdag pa ni Cabrera, kami po ay nakipag-coordinate na sa Philippine National Police (PNP) upang maipatupad ang batas kontra sa ipinagbabawal na malalakas na paputok. Aarestuhin din namin ang sinumang mahuhuling nagsusunog ng gulong.
Sa pamunuan ng BFP, alam namin ang pagiging kritikal ng inyong tungkulin subalit umaasa ang kolum na to, totohanan ang inyong mga ginagawa. Hindi puro ngawa!
Para sa TIPS type
BITAG<space>TIPS<space> (message)
COMPLAINTS type BITAG<space> COMPLAINTS <space> (message)
FEEDBACK type
BITAG<space>FB <space>(message)
O tumawag sa telepono 932-5310/932-8919. Makinig sa DZME 1530 Khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. Panoorin ang "BITAG" tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon, ABC-5.
E-mail us: bitagabc_5@yahoo.com