^

PSN Opinyon

'Di baleng madisgrasya' yung talagang may gawa!

-
ANG buong staff ng BST Tri Media Concept na producer ng Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO at BITAG ay bumabati ng ‘‘Maligayang Bagong Taon’’ sa lahat ng mambabasa ng kolum na to.

Gusto kong gamitin ang kolum na ito upang magpa-alala sa mga taong walang kadala-dala sa pagsalubong ng Bagong Taon sa kanilang iba’t ibang estilo.

Hindi na bale sana kung katigasan ng kanilang kukote sila lang madidisgrasya. Ang problema nadadamay sa ‘‘kamalasan’’ ang ibang walang kinalaman.

Nakikiisa ang kolum na ’to sa pagiging ‘‘sirang-plaka’’ ng pamahalaan. Maging ilang opisyal ang paulit-ulit na lang sa pagpapagunita. Ang iba tuloy ginagamit na itong pampapogi sa telebisyon.

Subalit ang resulta nito, tumataas pa rin ang bilang ng mga nadidisgrasya sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Nariyan ’yung naputulan ng daliri at kamay. Ang pinakamasahol pa ang masunugan ng bahay at makitlan ng buhay sa pagpasok ng Bagong Taon.
* * *
NAGPAHAYAG ng kahandaan itong pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong kapuluan.

Kaugnay nito sa posibleng pagkakaroon ng magkakasabay na sunog dahil sa iba’t ibang estilo ng pagsalubong sa pagpalit ng taon.

Nagsalita si Fire/Col. Danilo Cabrera, Fire Marshall sa National Capital Region sa aking radio program sa DZME, kanyang tiniyak ang pagiging handa na rin daw ng kanilang mga gamit.

Ayon sa opisyal, alas-6 pa lang daw ng gabi, mag-iikot na ang kanilang mga tauhan. Ito ay upang arestuhin ang mga taong walang kadala-dala

Idinagdag pa ni Cabrera, ‘‘kami po ay nakipag-coordinate na sa Philippine National Police (PNP) upang maipatupad ang batas kontra sa ipinagbabawal na malalakas na paputok. Aarestuhin din namin ang sinumang mahuhuling nagsusunog ng gulong.’’

Sa pamunuan ng BFP, alam namin ang pagiging kritikal ng inyong tungkulin subalit umaasa ang kolum na ’to, totohanan ang inyong mga ginagawa. Hindi puro ngawa!
* * *
Para sa mga TIPS, COMPLAINTS, FEEDBACK, i-text at i-send sa Globe/Touch Mobile sa 2333 or 334 sa Smart/Talkntext subscribers.

Para sa TIPS type

BITAG
<space>TIPS<space> (message)

COMPLAINTS type BITAG<space> COMPLAINTS <space> (message)

FEEDBACK type

BITAG
<space>FB <space>(message)

O tumawag sa telepono 932-5310/932-8919. Makinig sa DZME 1530 Khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. Panoorin ang "BITAG" tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon, ABC-5.

E-mail us: [email protected]

vuukle comment

BAGONG TAON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DANILO CABRERA

FIRE MARSHALL

MALIGAYANG BAGONG TAON

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with