^

PSN Opinyon

Negosasyon sa dilim ng gobyerno at MILF

SAPOL - Jarius Bondoc -
SISIMULAN ang peace talks sa Moro Islamic Liberation Front nitong darating na linggo. Pinakiusapan ng gobyerno ang Malaysia na i-host ang negosasyon. Tatalakayin kung paano babalik ang mga rebeldeng Moro sa kanilang mga baryo nang walang tutugis at ang pangkabuhayan nila.

Pero may napabayaan ang gobyerno. Nakalimutang ipasuko sa MILF ang mga kasaping terorista na pumatay ng mga sibilyan sa Siocon, Carmen, Pikit at Davao City. Nakaligtaang ipa-waksi sa mga rebelde ang Jemaah Islamiya, front ng al-Qaeda sa Silangang Asya na nagbomba sa Bali nu’ng 2002 at sa Maynila nu’ng 2000.

Papasok sa negosasyon ang gobyerno tungkol sa kapayapaan. Pero tila hindi na hahabulin ang hustisya para sa mga biktima ng terorismo. Umamin mismo ang mataas na opisyal ng JI na nahuli sa Thailand na 33 kasapi ang nag-training sa special camp ng MILF sa Buliok complex. Pero tinanggap na lang basta ng gobyerno ang denial ng pamunuan ng MILF. Hiningi ng Malacañang na isuko ng MILF ang mga komander na namuno sa kilos terorismo. Pero tinanggap din basta ng gobyerno ang salita ng MILF na kesyo matagal na nilang sinibak ang mga iyon.

Niloloko ng gobyerno ang sarili. Sa hangad na basta lang matigil ang putukan, pinabayaan na ang hustisya. Sa hangad na bumuhos ang pangakong $38 milyong aid ng US sa Mindanao, pinalampas na ang mga kriminal. Sa gan’ung sitwasyon, makikipag-negosasyon ang gobyerno sa dilim. Makikipag-usap, pero hindi alam ang batayan; kakapa-kapa lang.

Samantala, iginigiit ng MILF na alisin agad ang mga sundalo sa Buliok complex. Pilit na pinarerespeto sa gobyerno ang mga umano’y kampong-MILF. At ayaw mag-garantiya ang mga rebelde na hindi na sila maglulunsad ng opensiba laban sa sibilyan o militar.

Totoong 30 na ang gulo sa Mindanao. Halos 65,000 na ang patay sa magkabilang panig, at dalawang milyon ang nawalan ng bahay. Bilyun-bilyong piso ang naluging negosyo at P50 milyon kada araw ang nagasta ng gobyerno. Pero hindi katwiran ‘yon para sumuko sa gusto ng MILF.

BULIOK

DAVAO CITY

GOBYERNO

JEMAAH ISLAMIYA

MILF

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PERO

SILANGANG ASYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with