^

PSN Opinyon

Ang panganib ng rebentador

- Al G. Pedroche -
NOONG nakaraang linggo, nakahimpil ang sasakyan ko di kalayuan sa bahay na tinutuluyan ng aking manugang na babae at mga apo sa Sampaloc, Maynila. Susunduin ko sila at ipapasyal dahil kararating lang mula sa probinsya. Sa kabila ng kalsada’y may mga kalalakihang nagsisindi ng kwitis.

Mukhang hindi sila marunong magsindi. O baka naman talagang palpak ang pagkakagawa ng mga paputok. May dalawa lang marahil na lumipad at pumutok sa itaas. Pero ang karamiha’y sumabog bago pa man makalipad.

Nasindak ako nang ang isa sa kanilang sinindihan ay lumipad lamang ng limang metro at agad bumagsak dalawang piye lang siguro ang layo sa isang inang naglalakad na akay-akay ang maliit na anak. Sa lupa pumutok ang kwitis. Mabuti’t hindi tinamaan ang mag-ina.

Mabilis na nagpulasan ang mga kalalakihan. Maging sila’y ninerbiyos sa pangyayari. Paano kung sa ulo ng ina o ng anak sumabog ito. Eh di naragdagan na naman ang casualty ng mga rebentador di pa man sumasapit ang Bagong Taon? Hindi pa man dumarating ang Bagong Taon ay marami nang naitalang biktima ng rebentador.

Imbensyon ng mga Chinese ang rebentador. Nakaugalian na ang firecracker festivities kapag maghihiwalay ang taon. Pantaboy daw ng kamalasan ng papasok na taon. Pero taun-taon, wala namang suwerteng ibinubunga ito. Bagkus, puro kamalasan sa mga taong napuputulan ng kamay at namamatay dahil sa paputok.

Kung ako lang ang masusunod, mas gugustuhin ko ang total ban sa rebentador na malalakas at maaaring pumatay. Wala kasi tayong kadala-dala. Sa kabila ng tumataas na bilang ng mga nasasawi at napuputulan dahil sa mga pampasabog, parang hindi kumpleto ang taon natin kung hindi tayo magpapaputok.

Mas masaya kung sa pagtatapos ng taon, nakatitiyak tayong kumpleto ang bilang ng ating mga daliri at kumpleto ang bilang ng ating pamilya.

BAGKUS

BAGONG TAON

IMBENSYON

MABILIS

MAYNILA

MUKHANG

NAKAUGALIAN

PERO

TAON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with