^

PSN Opinyon

Editoryal - Maging alerto sa mga terorista

-
BUKAS ay gugunitain ang ikatlong taon ng Rizal Day bombings. Ang sugat na nilikha ng pambobomba ay hindi pa humihilom. Kahit na napatay na ng military ang isa sa mga utak ng pambobomba, ang sakit sa mga naulila nang may 22 kataong namatay ay hindi pa rin nawawala. Umaantak pa rin hanggang ngayon. Hindi pa sapat ang pagkakapatay kay Fathur Rohman Al-Ghozi, isa sa mga naghanda ng bomba na pinasabog sa limang magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila noong tanghali ng Dec. 30, 2000.

Sa limang lugar na binomba, pinaka-grabe ang naganap sa Blumentritt LRT Station kung saan pinakamarami ang namatay at karamihan ay bata. Kasabay na binomba ang isang bus sa EDSA; ang Plaza Ferguson sa Malate malapit sa US Embassy; isang abandonadong gasolinahan sa Makati City at ang isang warehouse sa Ninoy Aquino International Airport.

Bukod sa 22 namatay, mahigit 100 ang grabeng nasugatan sa pambobomba. Naganap ang pambobomba habang naghahanda ang mga tao sa pagsalubong sa Bagong Taon. Iyon pala’y kakaibang trahedya ang sasalubong. Matapos mahawi ang usok sa LRT, tumambad ang mga katawang nagkalasug-lasog, ang ibang bahagi ng katawan ay nasa dingding. Ang mga ihahandang pagkain, gaya ng mga prutas ay nagkalat sa sahig. Nabahiran ng dugo sa isang iglap lamang. Ang mga ungol at daing ng mga nasugatan ay mahirap makalimutan. Walang mga kaluluwa ang gumawa ng karumal-dumal na pambobomba.

Ngayon ay may banta pa rin sa kabila na may napatay na at nahuling mga terorista. Ang pangyayaring iyon ay dapat namang magbigay ng aral hindi lamang sa mga awtoridad kundi pati na rin sa taumbayan na dapat ay maging mapagmatyag sa ngayong panahon. Mahirap makatiyak kung ang katabi sa LRT, dyipni o bus ay hindi "uhaw sa dugo". Kinakailangan namang maging doble ang seguridad na ibibigay ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP). Hindi na dapat maulit ang madugong pangyayaring iyon. Hindi na dapat magbuwis ng buhay ang mga walang malay na nilalang.

Kapansin-pansin na kung kailan may nangyari nang trahedya saka lamang maghihigpit ang mga awtoridad. Kapag lumipas ang isa o dalawang linggo, wala na ang paghihigpit. Ningas-kugon lang ang nangyayari.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BAGONG TAON

FATHUR ROHMAN AL-GHOZI

MAKATI CITY

METRO MANILA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PLAZA FERGUSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with