Matapat na sinundan ni San Esteban ang inirerekomenda ng Ebanghelyo (Mt. 10:17-22)
"Mag-ingat kayo, sapagkat may mga taong magkakanulo sa inyo sa mga hukuman; at hahagupitin nila kayo sa mga sinagoga. Dahil sa akin, ihaharap kayo sa harapan nila at ng mga Hentil. Kapag nilitis na kayo, huwag kayong mabalisa tungkol sa sasabihin ninyo o kung paano ninyo sasabihin. Pagdating ng oras, itoy ipagkakaloob sa inyo. Sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.
"Ipagkakanulo ng kapatid ang kanyang kapatid upang ipapatay; gayon din ang gagawin ng ama sa kanyang anak. Lalabanan ng mga anak ang kanilang mga magulang, at ipapapatay. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin; ngunit ang manatiling tapat hanggang sa wakas ang siyang maliligtas."
Kung babasahin natin ang mga Gawa ng mga Apostol, makikita natin kung paano naakusahan si San Esteban. Kinaladkad siya sa labas ng lunsod at pinagbabato hanggang sa mamatay. Tulad ni Jesus sa sandali ng kanyang kamatayan, ipinagdasal ni San Esteban na patawarin ang mga nakagawa sa kanya ng kasamaan.
Manalangin tayo kay San Esteban na tayo rin, sa sarili nating paraan ay magbigay-patunay sa kahalagahan ng buhay ng tao. Lalo na ang paglaban sa krimen ng abortion.