Balikbayan ngayon Pasko (Huling Bahagi)
December 25, 2003 | 12:00am
PARA kay Dr. Antonio Talusan at iba pang OFWs pinananabikan nila ang pagsapit ng Pasko at lahat ay umaasa na makapagbalikbayan sila at makakapiling ang kanilang mga minamahal.
Si Dr. Talusan, ang leading Pilipino nephrologist na bantog din sa ibang bansa ang siyang founder ng public service TV show Kapwa Ko Mahal Ko na hanggang sa ngayon ay napapanood pa rin. Ang pagiging matulungin sa mga maysakit at kapus-palad ay isang dakilang misyon na sinimulan ni Dr. Talusan. Bukas-palad ang mga Talusan sa pagkakawanggawa at hindi na mabilang ang mga natutulungan nila. Tuwing naririto sila sa panahon ng Kapaskuhan ay nagsasagawa sila ng libreng panggagamot sa San Rafael, Bulacan, na bayan ni Dr. Talusan at sa Bataan, na siya namang sinilangan ni Dr. Talusan. Bukod sa medical mission ay namamahagi rin sila ng mga gamot, damit, bigas, mga de lata at iba pang pagkain at pera lalo na sa mga dahop ang buhay at may mga karamdaman.
Tulad ng mga Balikbayang Pilipino, maligaya ang mag-anak na Talusan na mag-Simbang Gabi tapos ay umiinom sila ng mainit na tsaa, salabat at kumakain ng puto bumbong, bibingka, kutsinta at iba pang kakanin. Marami silang handa sa noche buena at media noche at namimigay sila ng mga Christmas gifts sa mga kapamilya at kaibigan.
Sa pagdating ng kanilang mga anak na karamihan ay nasa Amerika, walang pagsidlan ng kaligayahan ang mag-asawang Filemon at Herminia Salvino. Masaya ang kanilang family reunion na ginaganap sa kanilang ancestral home sa Mandaluyong City.
Hindi naman makakapiling ngayong Pasko ang mister ni Cecille Sumulong at ama nilang Frances at Leonard na nagtatrabaho sa Saudi Arabia. Dalawang buwan ngayong taon na namalagi dito si Mr. Sumulong nang ma-stroke si Cecille at bumalik siya sa Saudi nang gumaling si Cecille. Panay ang overseas call nila at pagti-text, tuwing Pasko pero ang lahat ay nagkakaisa na baligtarin man ang mundo napakasaya ng Pasko sa Pilipinas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended