EDITORYAL - Pasko: Laging may pag-asa sa kabila ng trahedya
December 25, 2003 | 12:00am
ILANG minuto lamang umanong natatapos dekorasyunan ng magkapatid na dalaga ang kanilang Christmas Tree nang makarinig sila ng ugong at kasunod noon ay rumagasa ang putik sa bayan ng Liloan, Southern Leyte noong Biyernes. Nabaon sa putik ang magkapatid. Ang isa ay himalang nakaligtas samantalang ang isa ay hindi. Hanggang ngayon hindi pa natatagpuan ang bangkay ng kanyang kapatid na kasamang nalibing nang may dekorasyong Christmas Tree. Mapait ang Pasko sa mga taga-Liluan lalo na sa mga naiwan. Pero gaano man kadilim ang langit doon, may nakikita pa rin silang liwanag ng pag-asa. Kahit balot ng trahedya, ang Pasko ay ipagdiriwang pa rin. May magsisinding Christmas lights upang maghatid ng saya sa paningin.
Tatlong araw bago sumapit ang Pasko, isa pang trahedya ang naganap. Isang ferry boat ang lumubog sa karagatan ng Palawan at ayon sa report, mahigit 70 katao ang nawawala. Lumubog ang barko dahil sa malalaking alon. Patuloy pa ang isinasagawang paghahanap ng Philippine Coast Guard. Sa pier na dadaungan ng ferry ay marami ang nag-aabang mga magulang, anak, kapatid na kabilang sa mga pasahero ng M/L Piarry. Galing Cagayan de Tawi-Tawi ang ferry at patugong Brookespoint, Palawan nang mabutas ito at lumubog. Karamihan sa mga nakasakay mga matatanda.
Marami nang Pasko ang nagdaan sa mga nakatira sa ilalim ng tulay. Malamok, madilim, maingay dahil sa mga nagdaraang mga sasakyan pero patuloy pa rin ang buhay. May nakasabit na parol sa kalawanging pako na nakabaon sa giray na barungbarong. May kaunting pagsasaluhan sa Noche Buena bilang paggunita sa pagsilang ng Mananakop. Sa kabila ng kahirapan, nasa kanilang mga labi ang pagsasaya sa Pasko. May pag-asa silang natatanaw katulad ng pag-asang nadama ng tatlong hari nang makita ang sanggol sa sabsaban.
Marami ang naghahangad ng kapayapaan at katiwasayan sa bansang ito. Marami ang nagnanais na guminhawa ang pamumuhay. Marami ang nangangarap na ang susunod na pinuno ng bansa ay makatutugon sa matagal na nilang pinapangarap ang makaahon sa kahirapan.
Maligayang Pasko sa inyong lahat.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended