Balikbayan ngayong Pasko (Una sa 2 bahagi)
December 24, 2003 | 12:00am
THERES no place like home. Home, is where the heart is. Home sweet home. Mas madarama ito lalo na ngayong Kapaskuhan at para sa napakaraming overseas Filipino workers (OFWs) wala nang sasaya sa pagbabalikbayan nila ngayong Pasko. Malamig na ang simoy ng hangin kaya pati ang mga ibon ay lumilipad sa lugar na hindi malamig para kumanlong, magpahinga, mag-ulayaw at maglimlim. Tulad ng mga ibong ito ang mga Pilipino sa ibat ibang panig ng mundo ay lumilipad pabalik sa lupang sinilangan para makasama ang mga mahal sa buhay ngayong Pasko.
Isa sa mga magbabalik bayan ay ang aming pinagpipitaganan at minamahal na kaibigang doktor na walang iba kundi si Dr. Antonio Talusan na ngayon ay nakabase sa Texas, USA. Taun-taon tuwing Christmas Season naging panata na ng pamilya ni Dr. Talusan na magkaroon ng Family reunion sa malaking bahay nila sa La Vista, Quezon City. Isang nephrologist o espesyalista sa bato si Dr. Talusan gayundin ang maybahay niyang si Dr. Celia Samson Talusan. Apat na babae ang kanilang mga anak at silay mga doktora. Ang panganay na si Eileen ay isang allergologist o espesyalista sa sakit na allergy at asthma. Sumunod kay Eileen, si Karen na isa namang pediatrician gastroentorologist at sumunod kay Karen ay si Janet at ang pinakabunso ay si Yvette. Sina Janet at Yvette ay tulad ng mga magulang nila na nephrologists. Mga doktora rin ang mga napangasawa ng apat ng mga anak na doktora ng mga Talusan. Bagamat may kanya-kanya na silang pamilya ay hindi nila makalimutan to keep in touch lalo na kung Pasko. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest